Shaina mahihirapang magpatawa

Lumaki sa harap ng publiko si Shaina Mag­da­yao. Nasubaybayan ng tao ang kanyang pag­sisi­mula sa mga sweet roles hanggang sa mag-evolve siya bilang isang mature actor. Sa kanyang bagong series sa ABS-CBN, ang Komiks Pre­sents Mars Ravelo’s Dragonna, mga bagong hamon at pag­su­­­bok ang kanyang pagdadaanan at mara­rana­san.

Katambal si Jake Cuenca, bibigyang buhay ni Shai­na ang karakter ni Olive, isang matapang na babae na medyo boyish dahil lumaki sa piling ng tatlong bumbero na nakapulot lang sa kanya.

Ang paghahanda ni Shaina ay hindi lang para sa kanyang pagiging superhero, pati ang kanyang pag­sabak sa pagpapatawa ay kanyang pinagha­handaan dahil malaking aspeto ng Dragonna ang comedy. 

“Pinaka-worry ko is yung comedy. Sabi ko nga pa­iyakin n’yo na lang ako kasi para sa akin mas ma­­­­da­ling umiyak. Pero nung sinabi sa akin na ma­ka­­­­kasama ko sina Kuya Bayani (Agbayani) at Kuya Long (Mejia) natuwa na ako. Magiging ma­­ga­an silang kaeksena kasi beterano na sila sa co­medy.

Sa ilalim ng direksyon ni Dondon Santos, ma­kakasama rin ni Shaina ang ilan sa mga talen­ted at magagaling na artista sa industriya tulad nina Ales­sandra de Rossi, Arnold Reyes at Eda Nolan.

Antabayanan ang new look ni Shaina sa kan­yang bagong serye.

* * *

Isa pa rin sa maituturing na pinakamalaking pang­­­yayari sa mundo ng musika rito sa Pilipinas ang nakaraang NU 107 Rock Awards 2008.

Pinangunahan ng mga hosts na sina Jett Pa­ngan ng The Dawn at NU 107 rock chick na si Dy­lan ang malaking event, with performances from Rico Blanco, Markus Highway, The Dawn, Grey­houndz, Urbandub, Radio Active Sago Pro­ject, Pupil, Razorback, Sandwich at Bamboo.

Ilan sa mga nanalo ay sina Out of the Body Special para sa Best New Artist Award, Urbandub para sa Listeners’ Choice Award, at Sandwich para sa Best New Live Act Award. Ang Betamax ng Sandwich ang napiling 2008 Song of the Year at napunta naman sa Pupil ang Album of the Year, Best Music Video at Artist of the Year awards.

* * *

Inilabas na ng Star Home Video worldwide ang unang tatlong DVD ng pi­nakamagagandang laban sa PBA games. Ito ang Barangay Ginebra Kings vs. Air 21 Express, Sta. Lucia Realtors vs. Tender Juicy Purefoods Giants at ang Ginebra vs. San Miguel Beer.

* * *

Pagkatapos niyang umawit ng mga theme songs ng dalawang foreign ani­mated movies, isang local movie theme song naman ang kakantahin ni Lea Salonga, ito ang theme song ng Dayo, sa Mundo ng Elementalia, isang animated film na kasali sa MMFFP 2008.

Ang Dayo ay tungkol sa isang batang lalaki (Buboy) na tatangkaing sagipin ang kanyang lolo’t lola na kinidnap ng mga engkanto at dinala sa Elementalia. Tu­tu­lungan siya ng mga mythical creatures mula sa Elementalia para mabawi sila.

Tinanggap ni Lea ang offer ng Dayo dahil gusto niyang maging bahagi ng isang all-Filipino, all-original production na alam niyang maipagmamalaki niya.

Ang theme song na pinamagatang Lipad ay komposisyon nina Jessie Lasaten at Temi Abad, Jr. and recorded with the FILharmoniKA, conducted by Gerard Salonga. Ang producer nito ay Cutting Edge Production.

Show comments