I couldn’t help but juxtapose ang naganap nitong December 7: Manny Pacquiao won the Dream Match, Marky Cielo perished from a bad dream.
Hanggang sa isinusulat ko ito, hindi pa rin nagre-reply sa akin ang itinuturing na “Tatay Rommel (Gacho)” ni Marky. Nasa state of shock pa rin siguro ang well-loved manager sa sinapit ng isa sa mababait at masisipag niyang anak-anakan.
To the family of Marky, my condolences.
* * *
Marami ang nakapuna na kinapos daw ng hininga si Karylle when she sang our national anthem sa Pacquiao-Dela Hoya bout. But in fairness, she acquitted herself. Dala kaya rin ’yon ng saglit na pagtatagpo nila ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes?
Ani Karylle, hindi niya tiyak kung si Dingdong nga ang namataan niya just before she went up the ring. But in all probability, hindi imposibleng ang aktor nga’yon dahil naroon ito with his father whom he treated to the fight.
Meanwhile, sa susunod na laban ni Pacman sa ring, there seems to be a resounding clamor na sana raw ay si Sarah Geronimo ang kumanta ng Lupang Hinirang. Which is totally not a bad idea considering that Sarah is one of the country’s young talented singers.
* * *
Scoring another victory that translates to LOTS of money added to his coffers, nauna nang ipinamalas ni Pacman ang kanyang generosity even before the fight. Ilang milyong piso ang kanyang pinakawalan sa kanyang mga tauhan na nagbawas ng timbang, magkano rin ba ang halaga ng mga pabo (turkey) na ipinamahagi niya noong idinaos ang Thanksgiving Day sa US.
Sana lang ay isama na rin ni Manny sa kanyang bukas-palad na pamumudmod ng mga biyaya ang pagpapa-rehabilitate sa kalunus-lunos na itsura ng General Santos City Hospital, from its physical appearance to lack of medical facilities.
Kahit sa maliit na donasyon ni Pacman ay magkakaroon ng kahit konti ring pagbabago ang pagamutang ’yon, alang-alang man lang sa mga kababayan niyang pasyente na wari’y mga talunan sa totoong boksing ng buhay.
Mas madadagdagan pa ang pambansang pagkabilib kay Manny lalo’t nitong huling laban niya, kung saan sa mga tinamong suntok ng kanyang kalaban sa mukha ay nagmistula itong ‘dela Hopia.’