Flop daw ang Wowowee show ni Willie Revillame sa San Diego, California, USA. Reklamo ng maraming kababayan natin doon na gustong manood ng palabas ay masyado raw mahal ang tiket.
Sabi pa ng mga tumawag sa aking mga kaibigan at kamag-anak sa California ay mahal daw masyado yung mahigit sa $100 na sinisingil nila. Eh yung mga concerts ng mga may pangalang singers hindi raw lumalampas ng $40, bakit naman daw sobrang doble ang sinisingil ng grupo ni Willie?
* * *
May mga hitsura naman pala yung mga napiling Survivors ng GMA 7. Lahat ng mga castaways ay bumisita sa aking radio program para i-promote ang finale ng Survivor Philippines na magaganap sa December 12. Pinaka-latest na nagpa-interview sa akin ay sina Kaye at Nanay Zita.
Si Kaye pwedeng-pwedeng artista. Bukod sa flawless, sexy pa. Kaya lang baka-ma-typecast sa sexy roles eh sayang naman kasi mukha pa namang brainy.
Si Nanay Zita ay paborito ng marami at inaasahan nilang mananalo. Kaya nga disappointed sila nang ma-vote out ito. Pati pala kay JC, may tampo si Mama Zita pero sinabihan kong ’wag nang magtampo dahil sa halagang P3M wala ni isa man sa kanilang makakaasa ng loyalty sa isa’t isa. Sa simula pwede pa, pero kapag naging threat na sila, siguradong patatalsikin na sila. Yun ang laro at dapat alam nila ito sa simula pa lamang.
Pero sinabi ni Nanay Zita kung hindi sila nagkaro’n ng nightout baka na-prevent pa niya ang pagkakapatalsik sa kanya. Kaya?
Si Nanay Zita, maganda rin pala nang malinis at maayusan pagkalabas ng isla. Ano naman kayang assignment ang ibibigay sa kanya ng GMA?
* * *
Unfair nga naman kay Judy Ann Sanos na sabihang namamalimos dahil lamang sa paggawa ng mga fund-raising events para makakuha ng pondo na magagamit para sa kampanya ng kanyang pelikulang Ploning sa Hollywood.
Marami ang hindi nakababatid na kailangan niyang ipapanood ang Ploning sa maraming tao, for them to become aware na may ipinapasok na entry ang ating bansa. Siyempre, magbabayad siya ng lugar, magpapakain at hindi lamang ito minsan kundi maraming beses pa.
Maraming member ang Oscars na kailangang makapanood at maraming dapat gawin para ito ma-advertise at ma-promote. Tulungan na lang natin si Juday. Huwag din nating kalimutan na times 49 pesos ang katumbas ng dolyar na siyang kakailanganin. Kung ayaw n’yo, huwag, pero huwag na lamang sana kayong magsasalita ng hindi maganda. Pwede?