Enjoy si Toni Gonzaga sa pangatlong pagbisita niya sa telethon ng The 700 Club Asia na pinamagatang Breaking Free. Hindi inisip ng aktres at TV host na magiging epektibong counselor siya sa programa.
Na-excite ang mga tumatawag, may hindi makapaniwala na si Toni ang sumasagot sa telepono, at ang iba’y nakapagbigay ng malaking donasyon. Umabot sa mahigit P4 million pesos ang nalikom ng one-hour live program noong November 10-14 sa QTV 11. Ang mga tawag at texts naman ay umabot sa libu-libo.
Nasa bagong timeslot na ang The 700 Club Asia, mas maaga na kesa dati ang airing nila, 11 p.m. na ang mga hosts ay sina Peter Karuz at Coney Reyes.
Ang mga donasyon ay gagamitin sa mga proyekto tulad ng Operation Blessing, 24-hour counseling sa Counseling Center, at missionary training sa Asian Center for Mission.