Maraming celebrities ang pumunta ng Las Vegas para personal na mapanood ang laban ni Manny Pacquiao kay Oscar dela Hoya bukas. Malaking tulong ito kay Manny na haharap sa isa sa pinakamahirap niyang laban. Hindi pipitsugin ang Mexican boxer kaya malaking boost yung malaman niyang suportado siya ng bansa at maging ng kanyang mga kababayan. Kahit mahirap ang ekonomiya ngayon, marami ang gumastos para lamang mapanood siya sa napakalayong lugar.
Balita ko, manonood din si Dingdong Dantes ng laban ni Pacquiao. Ano kaya ang sasabihin dito ni Marian Rivera kung saka-sakaling magkita sina Dingdong at Karylle? Pupunta sa US sina Dingdong at Marian dahil may concert sila sa Shrine Auditorium sa California.
* * *
Nilapitan ako ni Maja Salvador sa Famas Awards Night. Nag-sorry ito sa ’di niya pagkuha ng personal sa kanyang trophy na ibinigay ko last year sa nasabi ring affair bilang isa sa dalawang German Morenos’ Young Achievers. Hindi raw kasi siya pinapayagan ng kanyang network na lumabas sa show ko. Hindi ako naniniwala na ganoon ka-selfish ang ABS-CBN. Binigyan ko naman ng importansiya ang isa sa mga artists nila.
* * *
Salamat naman at gumanda ang panahon noong gabi ng 3rd anniversary ng Walk of Fame Philippines na itinataguyod ko sa Eastwood. (May isa pa sa Mowelfund Plaza na tinatawag ko namang Paradise of Stars).
May 12 names na nadagdag sa mahigit nang 100 stars na una nang binigyan ng gintong estrelya na nakapalibot sa entertainment plaza ng Eastwood City.
Akalain mo, umaga pa lamang ay masama na ang panahon. Ang langit nabalutan ng maitim na ulap. Pero sa tulong ng dasal at mga seremonyas na matagal ko nang ginagawa at pinaniniwalaan, kitang-kita ko nang magbigay daan ang maitim na ulap, sumilay ang araw, nagkaro’n pa ng half moon. Isang milagro ito na madalas ipamalas sa akin ng Panginoon.
Talagang ipinahintulot niyang magtagumpay ang unveiling na ginagawa kong tribute sa mga artistang may naiambag sa industriya, pelikula man, TV o recording.
* * *
Huwag kayong magtaka kung bakit maraming replays ngayon sa TV. Panahon kasi ng krisis kaya maraming advertisers ang takot maglabas ng pera, ayaw mag-advertise. Kaya napipilitan ang mga networks na mag-ulit ng palabas. Pero, kahit naman hindi krisis nangyayari ito, lalo na kapag ganitong panahon ng gastusan.
Nung araw nakakapanood pa tayo ng mga Christmas Specials, pagandahan ang mga istasyon. Ngayon, mangilan-ngilan na lamang ang gumagawa nito, baka yung mga major networks na lamang nga eh.