^

PSN Showbiz

Para magka-pelikula: Sharon kailangang pumayat hanggang Pebrero

-

Kailangan palang pumayat ni Megastar Sharon Cuneta hanggang February 2009. Yup, may dead­line/condition daw na binigay ang Star Cinema sa Megastar or else hindi na naman itutuloy ang pelikulang pagtatambalan nila ni Richard Gomez. Ito raw ang rason kaya seryoso na ang ginagawang pagpapayat ni Sharon na nang huling makita sa isang presscon almost a month ago ay nadagdagan na naman ang timbang.

Nauna nang nakansela ang pagsasamahan nilang project ni Aga Muhlach.

Very positive ang ilang nakapaligid kay Mega na papayat ito bago mag-Pebrero. “Kailangan niyang mag-control sa pagkain,” say ng isang showbiz observer.

Korek, ‘wag lang sana siyang kumain nang kumain lalo na ngayong Pasko na yummy ang mga kakanin.

* * *

Sobrang tagal daw mag-ayos ng buhok ng isang actor/singer. As in marami na ang nakakapuna na isa sa madalas na ayusin ng singer/actor na ito ay ang kanyang hair. At kung mag-ayos daw ito, inaabot ng isang oras.

Nung minsan daw na mag-guest ito sa isang game show, nagreklamo ang host dahil ready na sila, pero ang contestant na singer/actor, nag-aayos pa ng kanyang hair ayon sa audience na naka-tsika ko. Hanggang sa inabot na raw ng 30 minutes ang paghihintay ng game show host at parang naiinip dahil pa rin sa pag-aayos ng buhok ng contestant nila that particular episode, kaya pina-advice na ito (singer/actor) na ready na.

Actually, matagal-tagal na ring pinag-uusapan ang tungkol sa pagiging conscious ng aktor sa kanyang buhok na parang wala namang problema. In fact, ang kapal naman at mukhang walang balakubak pag tiningnan mo. Hindi katulad nung isang aktor na halos makalbo na pero walang pakialam sa buhok. Anyway, bakit nga ba sobrang conscious ng actor/singer na ito sa kanyang buhok?

* * *

 Napili palang Ambassador para sa World Vision ang ABS-CBN Star Magic artist na si Sam Milby na kamakailan ay dumalaw sa tanggapan ng World Vision. Ayon sa World Vision: “Our vision for every child, life in all its fullness. Our prayer for every heart, the will to make it so.”

Ayon naman kay Mr. Boris Joaquin, World Vision Marketing Director, halos maiyak si Sam nang i-share niya ang klase ng trabaho na ginagawa nila para sa mga bata. Kamakailan ay nag-sponsor din si Sam ng dalawang bata sa Cavite, boy and girl, 5 and 6 years old.

Sa pagkakapili kay Sam bilang ambassa­dor para sa World Vision, mas may pagkakataon siyang makatulong sa mga mahihirap, isang bagay na gusto talagang gawin ng aktor.

* * *

Akala ko ABS-CBN show ang pinapanood ko kahapon sa press preview ng Everybody Hapi. Kasi ba naman bida sa nasabing sitcom sina John Estrada, Eugene Domingo, Roxanne Guinoo at Matt Evans. Pag hindi ka ba naman nalito, eh lahat sila nasa Kapamilya nating nakagawiang panoorin.

Ang Everybody Hapi ang bagong sitcom ng TV5 na mapapanood bago ang game show ni Gretchen Barretto na You and Me Against The World.

Kasama rin nila sa nasabing sitcom si Long Mejia at Alex Gonzaga na pareho rin nating napapanood sa Kapamilya network.

Kuwento ito ng dalawang magkapit-bahay na nakatira sa isang duplex ang nagbabangayan—dalawang magkapatid laban sa isang macho at gwapong lalaki na minsan nilang minahal sa kanilang buhay—na ngayon ay mortal na nilang kaaway.

Siya si Jim (John), ang lalaking minahal ni Babet (Eugene), na in love naman sa kapatid ni Babet na si Jenny (Roxanne). Na-in love din si Jenny kay Jim dati ngunit nawindang lang siya nang malaman niyang may anak na ang binata. Lumipas ang ilang taon, nagkadaupang-palad muli ang tatlo ngunit kasama na ngayon ni Jim ang kanyang anak na si Cathy (Alex), na mai-in love naman sa pamangkin nina Babet at Jenny na si Steve (Matt).

Dagdag sa pakikigulo at kulitan sina Long bilang si Carey, ang ever loyal sidekick ni Jim na hindi nauubusan ng mga hirit at kalokohan. Hindi rin naman papatalo si Babet dahil andyan ang kanyang alalay na si George, ang machong bading na katulong niya sa parlor.

Isa lang ang nasabing programa sa banner program ngayon ng TV 5 na base sa survey ay umakyat na sa third place sa naghahabulang rating.

AGA MUHLACH

ALEX GONZAGA

ANG EVERYBODY HAPI

AYON

BABET

BORIS JOAQUIN

ISANG

NAMAN

WORLD VISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with