Family Feud Celebrity Edition simula na!

Mas lalong magiging masaya at exciting ang Linggo ng bawat pamilya dahil simula noong Nobyembre 30, iba’t ibang celebrity families ang nagpapa-galingan sa Family Feud Celebrity Edition.

Sa pangunguna ng wholesome at handsome host, Richard Gomez, ang top-rating at pinakamasayang game show ng buong family ay gabi-gabing mapapanood sa loob ng anim na araw, Lunes hanggang Biyernes at ang bonus na celebrity episode tuwing Linggo. 

Tiyak na dapat abangan ang mga maghaharap na celebrity families tuwing Linggo na may tig-apat na miyembro kung saan mag-uunahan silang sagutin ng tama at kumpleto ang top answers na nakasaad sa survey na tinanong sa 100 katao.

Simula nang ilunsad ang Family Feud noong Oktubre 13, nagkamit ito ng matataas na ratings gabi-gabi.

Sino ang celebrity family ang magpa-pass, play, steal o strike? Tunghayan ang Family Feud Celebrity Edition.

Show comments