^

PSN Showbiz

Aktor ayaw munang mag-gf, may trauma sa ex

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Masaya ang mga kaibigan ng actor na nakipag-break ito sa girlfriend niyang actress dahil alam nilang naba­wasan ng malaki ang problema nito sa pakiki­pagrelasyon sa ex. Hindi na idinetalye sa amin ang nangyari prior sa break-up ng dalawa, basta napuno na lang daw ang actor sa inatang na responsibilidad sa kanya gayung hindi pa sila kasal.

Maayos ang paghihiwalay ng actor at ng actress, kaya hindi maintindihan ng kampo ng actor kung bakit pinalalabas sa side ng actress na babae ang rason ng kanilang break-up. Inaamin ng actor na nakikipag-date siya dahil two months na siyang single, pero friendly date lang ’yon at ayaw muna niyang makipagrelasyon pagkatapos ng sad experience sa last GF.

* * *

Si Rufa Mae Quinto ang pinaka-sexy sa cast ng Desperadas 2 na dumating sa presscon ng pelikula na halos kita na ang dibdib. Biniro itong mukhang pinangatawanan ang pagiging Star of the Night sa nakaraang Star Awards for TV. Nanalo ring Best Comedy Actress si Rufa Mae para sa Bubble Gang, pero nang tanungin kung napalitan ng dalawa niyang awards ang nangyari sa kanya sa SOP two weeks ago, parang disoriented ito, ’di alam kung ano ang isasagot at nanlamig pa ang mga kamay. Ilang minutes ang lumipas bago ito sumagot.

“Wala naman talagang tampo at last Sunday, naroon na ako. Nagkaroon lang ng mis­commu­nication at akala ’di ako darating dahil galing ako sa Tacloban. Naiyak lang ako, pero kinausap din ako agad. ’Wag na lang nating pag-usapan ’yon, ito na lang movie at awards ko na sobrang proud ako ang pag-usapan natin,” pakiusap ni Rufa Mae.

Maganda ang trailer ng movie at pare-pareho silang may moment nina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Marian Rivera at Ogie Alcasid at walang mag­rereklamo sa kanila. Pati sa billing, tanggap nilang name ni Ogie ang huli at may ‘and’ bago ang panga­lan.

* * *

Masaya ang una sa maraming selebrasyon ni Paolo Bediones ng 10th year niya sa showbiz at sa pagiging host. Marami siyang ipina-raffle na gifts at lahat ay nag-uwi ng regalo. Nangako ang TV host na masusundan pa ang pakikipagkita niya sa press dahil marami siyang mga susunod na projects next year.

Special guest sa okasyon ang 10 castaways ng Survivor Philippines na naunang na-vote out at kasa­ma sila sa game. Present sina Kiko Austria, Gigit, Patani, Emerson, Marlon Carmen, John Lopez, Kaye Alipio, Vern Domingo, mommy Niña at Vhev Gador.

Sa December 12, na ang finals ng Survivor Phi­lippi­nes at ia-announce ang winner sa isang live show na gagawin sa Studio 6 ng GMA Network (akala namin outdoor ang finale para mas ma-feel ang ambience). Tapos na rin ang Tok! Tok! Tok! at wala pang next show si Paolo, pero malaki ang posib­ilidad na magkaroon ng season 2 ng Survivor Phili­ppines. Ang balita nga namin, sa January next year na ang audition at March, sisimulan ang shoot sa lugar na mapipili.

In the meantime, magko-conduct muna siya ng hosting seminar sa gus­tong maging host at tatapusin ang sinusulat na libro. Kasama rin sa plano niya ang ipakanta ang mga compositions sa mga kaibigan niyang singers.

* * *

Sa Una Kang Naging Akin, natunton nina Vanessa (Angelika dela Cruz) ang kinaroroonan nina Nick (Wendell Ramos) at Jessa (Maxene Magalona) at muling tatakas ang dalawa. Walang pera ang dalawa at ’di nila magamit ang credit card ni Nick sa takot na ma-trace sila. 

vuukle comment

BEST COMEDY ACTRESS

BUBBLE GANG

IZA CALZADO

JOHN LOPEZ

KAYE ALIPIO

KIKO AUSTRIA

MARIAN RIVERA

RUFA MAE

SHY

TOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with