Jericho nagpapilit bago nakipag-love scene kay Anne
Marami palang bawal gawin si Jericho Rosales bilang isang Kristiyano. Bawal mag-sign of the cross kahit trabaho lang, bawal makipag-love scene, bawal ang kisssing scene at kung anu-ano pa.
Kaya nga raw nagkaroon pa ng pilitan factor sa isang eksena sa ginagawa nilang pelikula ni Anne Curtis, ang Baler na isa sa walong kasali sa Metro Manila Film Festival dahil sa eksenang kailangan niyang mangurus. Ayaw daw gawin ni Jericho nung una, pero wala raw namang nagawa ang aktor nang sabihin sa kanyang kailangang-kailangan sa eksena at trabaho lang ‘yun.
‘Yun namang tungkol sa love scene nila ni Anne, aba tumatanggi rin daw si Jericho. As in, ayaw din nitong gawin dahil labag na ‘yun sa paniniwala nila bilang Kristiyano. Pero dahil trabaho ‘yun at tinanggap niya ang pelikula, natapos naman daw ng maayos ang love scene nila ni Anne na leading lady niya.
Actually, hindi naman daw kaartehan ang issue kay Jericho kundi may mga spiritual adviser pala siyang sinusunod. At kabilang dito ang grupo nila Piolo Pascual at Sam Milby ayon sa bulungan ng mga taga-showbiz.
“Ang ayoko lang naman, ginagamit pa nila ang Diyos,” comment ng isang beterano na sa showbiz pero gulat sa mga paniniwala ngayon ng mga katulad ni Jericho.
Saka maraming nagtataka na bakit ngayon lang sila nagkakaroon ng mga ganyang paniniwala samantalang noong ipinanganak naman silang Katoliko ay kilala na nila ang Diyos.
Anyway, sa awa naman ng Diyos ayon sa isa pang source ay natapos din ang pelikula kahit ang daming kondisyon ni Jericho na hindi naman nasunod dahil sa simula pa lang ay alam na niyang gagawin niya naman daw ang mga eksena.
Besides, general patronage ang target ng pelikula kaya hindi naman talaga siguro malaswa ang love scene nila ni Anne.
* * *
Na-corner si Carmina Villaroel the other night sa birthday dinner ni Tita Dolor Guevarra (na manager niya) tungkol sa kanyang reaction sa bagong role ng ex-husband niyang si Rustom Padilla sa Eva Fonda. Matagal-tagal na ring dedma si Carmina sa nangyari kay Rustom. “Na-insecure ako. Mas flawless pa siya sa akin,” sabay tawa. Pero hindi niya alam kung saan show nga kasali si Rustom, binanggit lang sa kanyang ang Eva Fonda.
Hahaha…
* * *
Speaking of Tita Dolor, mga piling-piling kaibigan lang ang invited sa nasabing birthday dinner ni Tita Dolor sa Vera Perez Garden last Monday night. Ilan sa mga naabutan namin sina Makati Mayor Jejomar Binay, Ms. Susan Roces, Ms. Armida Siguion-Reyna, Conchita Razon (nanay ni Martin Nievera) Tito Douglas Quijano, Ms. Shirley Kuan, Ms. Pat P. Daza, Tita June Torrejon, Tito Ricky Lo, Tita Marichu Maceda, Mr. Danny Dolor, Tito Ricky Lo, Ms. Malou Choa-Fagar, Tita Aster Amoyo, Tito Ronald Constantino, Direk Boots Plata (ang esposo ni Tita Dolor), Lawrence Tan. Maya-maya ay dumating si Sen. Chiz Escudero at ang asawa niyang si Cristine at hindi nagtagal ay dumating din si Kris Aquino kasama ang personal make up artist at kaibigang si Bambbi Fuentes.
Ang daming napagkuwentuhan pero iilan ang puwedeng isulat. Pero grabe ang daming tsismis sa showbiz na nakakaaliw.
Si Mayor Binay nga, pangiti-ngiti na lang sa mga naririnig na parang hindi makapaniwala sa mga bidahan ng mga bisita ni Tita Dolor.
Pero nang tanungin ni Pat P. sa nanay ni Martin kung totoong hiwalay na ang anak niya kay Katrina Ojeda, kunwari ay dedma si Ms. Conchita at kunwang nakikipag-usap kay Tita Midz. Pero sa kakakulit ni Pat. P. nag-dialogue ito: “I don’t know nothing.”
Matagal nang nababalita na hiwalay na si Martin kay Katrina O. at meron na umano itong bagong girlfriend na kamag-anak ng isang hari ng Brunei.
Sarap ng mga pagkain sa nasabing dinner – ang Sencillo ni Bambbi ang nag-cater at maraming nagpadala ng pagkain like Mother Lily Monteverde at gawa ni Carmina and caramel at chocolate cake.
Happy birthday tita Dolor… Cheers…
* * *
Plus plus plus factor nga si Ogie Alcasid sa Desperadas 2. Ramdam na mas lalong sumaya ang pelikula at ang attention ay biglang nabaling sa kanya. Sa presscon, lahat natatawa sa mga dialogue niya dahil sagot nang sagot ang boyfriend ni Regine Velasquez na nag-apir na nakasuot babae.
Nakuwento niya na dusa talaga ang ginawa niya sa pelikula dahil halos mayupi si Rambo (pangalan ni Manoy) dahil masisikip ang mga suot niya sa mga eksena niya. Pero minsan daw ay nagpupumiglas ito.
“Hindi rin puwedeng umihi, ang hirap. Kaya ang ginagawa ko, iniihi ko na lahat bago ipitin si Rambo,” kuwento ni Ogie.
Maganda ang naisip nina Direk Joel Lamangan, Roy Iglesias at Manny Valera na si Ogie ang ipalit kay Eugene Domingo na tumanggi sa role.
Pero kahit na napunta kay Ogie ang attention, siyempre hindi puwedeng magpasapaw sina Rufa Mae Quinto, Ruffa Gutierrez, Marian Rivera and Iza Calzado.
- Latest