LT inumaga sa party ni Aiai

Tahimik na nairaos ni AiAi delas Alas ang kanyang 43rd birthday sa kanyang palatial residence at the Ayala Estates, Capitol Hills, QC. exactly three Tues­days ago. Palibhasa’y mga malalapit lang niyang kaibigan in and out of show­biz ang kanyang inim­bitahan, it wasn’t exactly a media event.

Dala na rin ng kata­maran, hindi ko nasipot ang party ng komed­yante na dinaluhan din ng mga katropa namin sa college. But had I popped out, it would have been my chance to see Lorna Tolentino and see her stay till 4 in the morning.

Yes, nasa isang table raw sa labas si Ms. LT, kasama ang common friends nila ni AiAi, which prompted me to think na akala ko ba, maging ang kanyang kaarawan on December 23 ay ayaw niyang ipagdiwang dahil in grief pa rin siya?

Pero ayon sa mga college friends ko na mataman siyang pinagmamasdan, Lorna was in high spirits. Aliw na aliw pa nga raw ang aktres seeing her former ABS-CBN assistant director flirting with a waiter dala ng sobrang kalasingan.

“In fairness, nag-e-enjoy si Ms. LT sa party ni AiAi, ha? Kalat-kalat kasi ang mga bisita, eh. Merong nasa loob ng bahay. Eh, kami, do’n sa labas pumuwes­to dahil ang iingay ng mga bunganga namin. All the while, ang akala namin eh do’n sa loob pupuwesto si Ms. LT kasi mas tahi­mik doon, but she opted to stay out­side. At sa­bay-sabay na rin kaming umalis ban­dang alas kuwatro ng umaga, ha?” sey ng aking source-friend.

More than LT’s beaming presence at the party, ang hindi alam ng publiko ay nagkaroon pala ng falling-out sa pagitan nila ni AiAi. Kung bakit is for me never to disclose… never to disclose daw, o!

* * *

With her gubernatorial hands full, understandable kung hindi gano’n ka-up­dated si Vilma Santos sa mga showbiz going-ons but not on the remake of her Ms. X movie na ipamamana kay Katrina Halili.

Considered one of Ate Vi’s daring movies, dekada otsenta ang naturang pelikula kung saan lumabas bilang leading man niya ang noo’y 17 or 18 years old pa lang na si Mark Gil. Wala naman daw tutol o resistance ang lady governor in fact, nakaka-flatter pa nga raw.

“Nagandahan siguro sila sa original version kung kaya ire-remake nila. Pero kung hindi nila kayang lampasan ang artistic merits ng movie, pantayan na lang nila,” sey ni Ate Vi who’s much more excited about her return to the wide screen via A Mother’s Story under Star Cinema.

Show comments