^

PSN Showbiz

Edu open na ang relasyon kay Pinky?

- Veronica R. Samio -

Marami ang nag-react ng maganda nang matapos tanggapin ni Edu Manzano ang kanyang double award for best game show and best game show host sa katatapos na 22nd Star Awards for Television ay pinasalamatan niya ang ilang mga tao, ang kanyang mga anak at maging ang newscaster na si Pinky Webb for inspiring him.

Si Pinky at isa pang artista ang nag-present ng award sa kanya.

Matagal nang natsitsismis ang dalawa pero palagi nila itong iniiwasang sagutin kundi man direktang dinidedma. Pero sa pagkakataong iyon, sa ginawang pag-acknowledge ni Edu sa newscaster, nabigyang sagot ang matagal nang itinatanong sa kanila.

Nagpalakpakan ang marami, umugong ang bulungan, at nang pagtuunan ng kamera si Pinky, kahit walang galit na nabakas sa kanyang mukha, halatang hindi ito pabor sa ginawa ni Edu. Sa sobrang kasiyahan naman sa kanyang award, hindi na ito nabigyang pansin ni chairman Doods.

Bukod kina Edu at Pinky, nagbigay kulay din sa awards night ng PMPC ang pagdating na magkasama nina Luis Manzano at Angel Locsin na pareho ring winners, ang una for best male talk show host (Entertainment Live, ABS-CBN) at si Angel for best actress in a single performance (Maalaala Mo Kaya, ABS-CBN). Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Angel si Luis for making her happy.

Ito rin ang buod ng speech ni Ogie Alcasid who won best comedy actor para sa Bubble Gang ng GMA7. Pinasalamatan niya ang mahal niyang si Regine Velasquez.

Masaya ang naging kaganapan sa katatapos na TV Star Awards. Bukod sa marami ang sampalataya sa mga nanalo rito, isang malaking kagalakan sa lahat ng miyembro ang pagdalo ng maraming malalaking artista at ang magandang pagkakadirek ni Al Quinn ng awards night.

* * *

Ang Yanggaw, isang digital film ni writer/director Richard Somes ay humakot ng maraming awards sa katatapos na 2008 Annual Cinema One Originals Digital Film Festival awards night na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Nakuha nito ang Audience Award for sound (Joey Santos, Eduardo Velasquez), editing (Borgy Torre), best supporting actor & actress (Joel Torre, Tetchie Agbayani), best actor (Ronnie Lazaro) at best director (Richard Somes).

Ang iba pang winners ay sina Wilfredo Calderon, Kat Compuesto, Maiza Demetillo, best production design at jury prize para sa Kolorete ni Ruelo Lozendo; music score (Leujem Martinez), best actress (Charee Pineda), best actor (Mark Gil) para sa Alon ni Byron Bryant; best screenplay (Sherad Sanchez); cinematography (J. Geolamen, Jose B. Fiola, John Torres); at best picture para sa Imburnal ni Sherad Anthony Sanchez.

Pitong pelikula ang naglaban para sa mga nabanggit na awards night, ang tatlo pa ay ang Dose ni Senedy Que, Motorcycle nina Jon Red at Karlo de Guzman at UP CAT nina Ramon Olivares, Miren Salazar at Alfred Reyes.

Matagumpay ang campus tour ng Digital Festival sa FEU, UP, Assumption College, at UST. Dito napatunayan ni Cinema One channel head Ronald Arguelles na may malaking following ang digital film sa academe.

Mapapanood nga pala ang Dose sa Robinsons Galleria ngayong Disyembre 3, 7 p.m.; Disyembre 5, 10 p.m.; Disyembre 6, 8:30 p.m. Tampok sa indie film sina Yul Servo at Emilio Garcia.

AL QUINN

ALFRED REYES

ANGEL LOCSIN

ANNUAL CINEMA ONE ORIGINALS DIGITAL FILM FESTIVAL

ASSUMPTION COLLEGE

BEST

DISYEMBRE

EDU

RICHARD SOMES

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with