KC may sulat galing kay Bill Clinton

Nasa Hong Kong si KC Concepcion para sa Clinton Global Initiative (CGI) at tuwang-tuwa na tinext sa manager niyang si Shirley Kuan na binigyan siya ng CGI ID. First CGI event ito outside the US, kaya nagpapasalamat ito na siya’y nakapag-participate.

Aabot sa 400 ang participants sa CGI at isa sa mga speakers si President Gloria Macapagal-Arroyo. Iti-treasure ni KC ang welcome letter ni former US President Bill Clinton.

Mahigpit daw ang security, pero excited si KC na pumasok sa tinatawag na “whisper rooms” kung saan gagawin ang personal meetings with the other participants and guests. Napili siyang dumalo sa CGI dahil sa involvement niya sa UN World Programme.

Sabi nito sa text message: “Praise God for all there is to learn, see and experience in the coming days! ’Love you Philippines!”

* * *

Comedy ang Tanging Ina N’yong Lahat, pero nahirapan si AiAi delas Alas sa mga eksenang ipinagawa sa kanya ni direk Wenn Deramas. May time raw na mula sa taping ng I Luv Betty La Fea, diretso siya sa shooting, ’di na siya natutulog at naliligo na lang.

Isa ang pelikula sa pinakamahirap niyang ginawa dahil sabay ang drama at comedy. Sa drama scene nga nila ni Jiro Manio, sabay ding tumutulo ang luha at uhog niya at bawal siyang magpunas.

Sa hirap nang dinanas sa shooting, nagbiro tuloy si AiAi na pang-adik ang entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival.

Na-name drop ni AiAi sa presscon si Pinky Webb nang ipagmalaking “masarap” daw si Edu Manzano at nang usisain kung gaano kasarap, ang sagot ay “itanong natin kay Pinky Webb.”

Nabanggit din nito si James Yap na nagbukas daw ng bubong dahil ito sa hindi pagpayag na mag-guest si Kris Aquino sa pelikula’t war sila ni AiAi. 

* * *

Kulang pa rin ang kinikita ng young actor na ito sa kanyang pag-aartista dahil hindi pa rin maiwanan ang pagpapahada sa mayayamang bading. Ang nabago lang, mas careful siya ngayon dahil kilala na siya, may regular TV show at may sumusuportang fans, kaya sa ibang bansa na siya nagpapahada.

Pero kahit sa Macau siya nagpa-book, may nakaalam pa rin dahil maliit ang mundo ng showbiz at mabilis na kumakalat ang mga ganitong tsismis. Aksidenteng nalaman ang pagpapahada niya nang makausap ng isang reporter ang isa pang young actor na napagkamalang nagpa-book sa Macau.

Kung talagang hindi maiwanan ng young actor ang pagpapahada dahil kinakapos siya sa pera, triplihin na lang niya ang pag-iingat para hindi mabuking. Tiyak na madi-disappoint ang dumarami niyang fans ’pag nalamang tuloy ang pagpapahada niya.

* * *

Sa pagiging kontrabida pala lilitaw ang galing ni LJ Reyes dahil napapansin ang husay niyang kontrabida sa Una Kang Naging Akin sa role ni Liway. Nang mag-taping si Maxene Magalona sa Women’s Correctional, si Liway (LJ) ang hinanap ng mga female inmates.

Nang mag-shoot ng TVC si Mel Martinez sa isang probinsya, si Liway din ang hinanap at gusto siyang patayin ng mga viewers ng afternoon soap ng GMA 7. Ipinararating kay LJ ang paghahanap ng tao at sa halip na matakot ay natutuwa pa.

Happy ending ang serye, pero hindi kay Liway (LJ) at matutuwa ang galit sa kanya sa mangyayari sa kanya rito. Kay direk Joel Lamangan at sa staff ng Una Kang Naging Akin na kumuha sa kanya nagpapasalamat si LJ, this is her best project at wish nitong masundan ng isa pang magandang project at matinding role para hindi mawala ang momentum.

* * *

Walang umuwing luhaan sa Christmas Party ng PLDT MyDSL na ginawa kahapon sa Annabel’s Restaurant. Big winner si Ogie Diaz na nanalo ng worth P75,000 Mac laptop. Dalawa pang laptops ang ipina-raffle, may Ipod shuffle, cash, at wireless PLDT landline.

Sa Eat Bulaga, namimigay din ng laptop araw-araw ang PLDTMyDSL bilang pasasalamat sa suporta sa kanila. Manood lang para malaman ang chances na manalo lalo na ang MyDSL subscribers.

Ang hindi mananalo rito, puwede pa ring magkaroon ng laptops at PC via Ultra Broadband Blowout at ang Raid Upgrade promo na ang lucky participants ay bibigyan ng instant prizes.

To know more about all the promos by PLDT MyDSL, log on na lang to www.myworldmydsl.com.

Show comments