Aminado naman pala ang isang sikat na aktres na kailangan niyang mag-aral ng personality development. She’s kinda insecure daw talaga sa mga ibang female stars na magaling mag-project at magsalita sa harap ng camera.
True naman na maganda siya, pero oras na magsalita na nga, lumalabas na ang pagka-jologs. Tapos naman ng kolehiyo ang aktres, pero mismong ang aktres na raw ang nagsasabi na gusto niya uling mag-aral. ‘Yun nga lang, wala naman daw oras ang aktres ayon mismo sa isang showbiz friend ng aktres.
At least aware naman pala ang aktres na kailangan niya talagang mag-improve ang kanyang personalidad - kung paano siya manalita na kailangan niya talaga para maging sosyal ang dating niya.
* * *
Natabunan ng issue ng pagiging celibate ni AiAi delas Alas ang pag-amin niyang may naramdaman siyang sama ng loob kay Kris Aquino nang tanggihan nito ang special participation sa Ang Tanging Ina N’yong Lahat , ang Metro Manila Filmfest entry ng Star Cinema ngayong taon. Tapos bigla pang pumasok sa eksena ang pangalan ni Robin Padilla kaya mas lalong ‘di na pinag-usapan ang issue sa kanila ni Kris.
Noon kasing i-offer kay Kris ang nasabing partisipasyon sa pelikula ng komedyana, hindi pinayagan ng asawang si James Yap si Kris na makasama si AiAi sa pelikula dahil sa naging issue sa kanila noon ng basketbolista.
“Pero may kasabihan nga na pag may nagsarang bintana, may magbubukas na bubong,” sabi nito. Pero ayaw naman nilang sabihin kung sinong nagbukas ng pinto nang sarhan ni Kris ang kanyang bintana.
Samantala, nang may magtanong kay AiAi kung anong masasabi niya na gusto ngang makasama ni Gov. Vilma Santos si Edu Manzano na nauna na niyang nakasama sa Ang Tanging Ina, ang say ni AiAi, “Idol ko siya (Ate Vi) at mahal ko siya, pero naunahan ko na siya. Masarap si Edu,” sabay tawa ni AiAi.
* * *
Naaliw ang mga bakla sa mga nakakalokang eksena sa La Traicion.
Lalo raw kasing nagiging mainit ang mga eksena.
Umiinit ang mga tagpo ngayong linggo sa La Traicion dahil magaganap na ang pinakakinatatakutan ni Hugo - ang mailibing ng buhay!
Sa gabi ng kasal nila ni Soledad ay aatakihin si Hugo ng sakit niyang Catalepsia, isang kondisyon kung saan ang isang tao ay hindi makakilos na parang isang patay pero sa katunayan, malinaw at buhay na buhay ang kanyang diwa at pandinig.
Matatagpuan siyang parang bangkay ng mapapangasawa at aakalaing siya’y yumao na kung kaya’t magpapasya ang nanay ni Soledad na ipakasal ang anak sa kakambal ni Hugo na si Alcides upang maisalba ang pamilya sa pagkakautang.
Huwag na huwag bibitiw sa patuloy na lumiliyab na kuwento ng La Traicion, pagkatapos ng Pieta sa ABS-CBN.