Naging issue ang pang-iisnab diumano ni Sam Milby kina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez nang mag-guest ito kamakailan sa The Buzz kaya naman nang makita namin ang Fil-Am actor last Friday sa ABS-CBN compound ay nilinaw agad namin ito sa kanya.
“Nandu’n ako sa The Buzz, I was talking to Tito Jobert (Sucaldito), when I saw ate Kris coming, I turned to her and she’s like this (sabay-muwestra ng aksyon ni Kris na nakikipag-usap sa cellphone), may kinakausap siya sa cellphone.
“So, akala ko, ayaw niya akong kausapin. So, okay. So, I just turned to tito Boy and talked to him. And I turned back around and she’s walking right past me. Ganyan pa rin (minuwestra niya ulit kung paano makipag-usap si Kris sa cell). So, akala ko, ayaw niya talaga.
“And then she talked to me, and then I made her beso afterwards. She thought I was going to snub her. Kaya nagulat ako na she thought I was going to snub her,” kwento ni Sam na halatang hirap pa ring i-express ang sarili sa Tagalog.
With Ruffa naman daw, wala raw siyang matandaang naisnab niya ito kaya nagulat nga raw siya nang mabalitaang may ganu’ng insidente.
“I can’t remember snubbing her,” say pa ni Sam.
Anyway, isa si Sam sa guest performers that Friday sa awarding ceremony ng Cinema One Originals Digital Film Festival na ginanap sa Dolphy Theater. He sang Mahal Pa Rin habang tumutugtog siya ng gitara.
Pitong digital films (Alon, Dose, Yanggaw, Motorcycle, Imburnal, UPCAT at Kolorete) ang naglaban-laban para sa iba’t ibang kategorya.
Here are the winners:
Best Actress : Charee Pineda (Alon)
Best Actor : Mark Gil (Alon) and Ronnie Lazaro (Yanggaw)
Best Supporting Actor : Joel Torre (Yanggaw)
Best Supporting Actress : Tetchie Agbayani (Yanggaw)
Best Picture : Sherad Anthony Sanchez (Imburnal)
Best Director : Richard Somes (Yanggaw)
Best Screenplay : Sherad Anthony Sanchez (Imburnal)
Best Cinematography : J. Geolamen, Jose Fiola and John Torres (Imburnal)
Best Sound : Joey Santos and Eduardo Velasquez (Yanggaw)
Best Production Design : Wilfredo Calderon, Kat Compuesto, Mais A. Demetillo (Kolorete)
Best Musical Score : Leujim Martinez (Alon)
Best Editing : Borgy Torre (Yanggaw)
Special Jury Prize Award : Kolorete
Audience Choice Award : Yanggaw (Vinia Vivar)