Toni at Richard may concert para kay Tia Pusit

For the first time, magsasama sa isang back-to-back show sina Toni Gonzaga at Richard Poon at ngayong gabi sa Zirkoh Timog (10:00 pm) ay aaliwin at aawitan kayo ng dalawa kasama ang mga PBB Teens na sina Ejay, Josef, Nicole & Robi with Vice Ganda sa show entitled Raise The Fun! na balita namin ay kabugan ng paramihan ng fans ang mga bagets.

Presented to you by Powertrim L-Carnitine & Green Tea Extract at The Wowanians in cooperation with Kopi Roti, Renew Placenta, Mr. Eric Yap and Baang Coffee, ang proceeds ng show ay mapupunta kay Tia Pusit para sa operasyon ng kanyang mga mata bago pa siya tuluyang mabulag.

Sa mga interesadong manood, P500 lang ang ticket at tumawag sa 0922-8398878.

Show comments