Miriam kinalasan ng BF na foreigner

May special partcipation sa Iskul Bukol...20 Years After ang Japanese actor na si Jacky Woo. At dahil kasali sa Metro Manila Film Festival ang Iskul Bukol..., hindi ako magugulat kung mag-join sa Parade of Stars si Jacky.

Pabalik-balik ng Pilipinas si Jacky at sunud-sunod ang kanyang mga TV guesting. Nag-taping siya uli para sa Nuts Entertainment at Bubble Gang. Type na type ni Jacky ang Nuts at Bubble Gang dahil enjoy daw siya sa pakikipagtsikahan sa mga mainstay ng Kapuso shows.

Hindi lamang  ang pag-apir sa TV ang pinagka­ka­­abalahan ni Jacky. Ginawaran siya ng  hono­rary citizenship sa Barangay Concepcion, Papaya, Nueva Ecija dahil sa tuluy-tuloy na pagtulong niya sa mga malnourished children.

Kilalang-kilala si Jacky sa Barangay Concepcion dahil sa kanyang special feeding at nutrition program.  Malugod siyang tinanggap ng mga opisyales ng barangay sa pangunguna ng ABC Chairman na si Edgardo Bote. Adopted son na rin si Jacky ng Nueva Ecija kaya lalong dumami ang mga kaibigan niya sa ating lupang hinirang.

* * *

May nag-react sa siney ni Miriam Quiambao na hindi siya nagkaroon ng boyfriend na foreigner, pagka­tapos ng hiwalayan portion nila ng kanyang mister na si Claudio Rondinelli.

True daw na naging boyfriend ni Miriam ang isang Holland national pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Ang mhin daw ang kumalas kay Miriam dahil sa irreconcilable differences ek.

Puwedeng mag-deny si Miriam dahil hindi rin niya masyadong type ang mhin na nahumaling sa kanya nang todo.

* * *

Hindi pala spoof ng Caregiver ni Sharon Cuneta ang Scaregivers nina Wally Bayola at Jose Manalo.

Malayung-malayo ang kuwento ng Caregiver sa Scaregivers. Puwede nga raw pang-Halloween ang Scare­­givers dahil may mga eksena ito na nakaka­takot, itsurang comedy ang pelikula.

Showing na ang Scaregivers sa mga sinehan. Co-stars nina Jose at Wally sina Iza Calzado at Ehra Madrigal.

Naloka nga pala ang mga nagpunta sa premiere night ng Scaregivers dahil in full force na dumating ang fans ni Iza. Sila ang nag-provide ng malakas na palakpakan at tilian nang umapir si Iza sa sinehan.

Take note, ang fans din ni Iza ang nagbigay ng buhay sa premiere night ng One True Love. Tinalbu­gan nila sa pagtili ang fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Active na active ang fans ni Iza ‘ha? Nakaw-eksena sila!

* * *

Ikinalungkot ng fans nina Marian at Dingdong ang balita na last TV team-up nila ang TV remake ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

Ayaw nila na mabuwag ang loveteam nina Dingdong at Marian. Ganyan sila ka-affected kesehodang hindi pa nag-uumpisa ang taping ng bagong TV show ng kanilang mga idol.

Hindi dapat malungkot ang fans nina Marian at Dingdong. Kung magiging bonggang-bongga ang ratings ng Ang Babaeng Hinugot..., puwedeng masundan pa ang TV partnership nina Marian at Dingdong.

Show comments