Limang parangal para sa natatanging PR at corporate communications programs ang nakuha ng ABS-CBN sa katatapos lamang na Philippine Quill Awards.
Iginawad ng International Association of Business Communicators (IABC), ang nangungunang international group pagdating sa communications practice, ang Award of Excellence sa employee communications program na Kapamilya Services kung saan pinabilis ang proseso ng pagkuha ng mga dokumento sa NSO at passport para sa mge empleyado ng ABS-CBN.
Awards of Merit naman ang ibinigay sa isinagawang PR campaign para sa Deal or No Deal Around the World- Philippines kung saan kinilala ang husay ng ABS-CBN sa paggawa ng game shows na siyang ikinarangal ng mga Pinoy worldwide, special event na nagbigay pugay sa King of Comedy, ang Dolphy at 80, employee newsletter na E-Frequency, at advocacy program ng ABS-CBN Foundation, Inc. na E-TV.
Ang ABS-CBN ang tanging broadcasting network na nakatanggap ng excellence award mula sa prestihiyosong award-giving body.
Ang Philippine Quill Awards, na inorganisa ng IABC, ay kumikilala sa pinakanamumukod tanging mga programang pangkomunikasyon sa bansa at ngayo’y nagsisilbing batayan ng pinakamahuhusay sa industriya.
Noong nakaraang taon, anim ang nakuhang parangal ng ABS-CBN.