Na-inteview si Dingdong Dantes pagkatapos nang ibinigay na Christmas Party sa press people last Saturday. Kundi Karylle, si Marian Rivera ang itinanong sa actor na ‘pansin namin, mas libre na niyang nasasagot ang tanong ng press.
May posibilidad daw na magkita sila ni Karylle sa Las Vegas dahil manonood siya ng laban nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya, pero parang hindi niya sinagot kung gagawa siya ng paraan para sila’y magkita’t magkausap.
Ngiti at hindi na sumagot si Dingdong nang tanungin kung totoong may kinalaman siya kung bakit si Karylle ang napili ng GMA Network na kumanta ng Philippine National Anthem sa laban nina Pacquiao at Dela Hoya. Pati raw ang pagkakapili sa ex-GF na gumanap na Maria sa West Side Story ay may kinalaman din ang actor.
Pinag-react din si Dingdong sa sinabi ni Karylle sa The Buzz two Sundays ago na hindi na siya mahal nito. Ano ang masasabi niya?
“Kung ‘yun ang napi-feel niya, respetuhin na lang natin,” sagot ni Dingdong.
Ang nakalimutan naming itanong kay Dingdong ay kung totoong nagalit siya kay Karylle nang makarating sa press ang pagtawag niya rito bago ang premiere night ng One True Love para sabihing dedicated sa kanya (kay Karylle ang success ng pelikula).
Sa balitang pansamantalang last project nila ni Marian ang Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, sabi ni Dingdong, alam nilang paghihiwalayin din sila ng GMA-7, pero habang sila pa ang magka-pareha, gagawin pa rin nila ang kanilang trabaho.
* * *
Nakita namin si Lorna Tolentino sa opening ng Robinson’s Galleria branch ng Flawless last Saturday at nakuwentong hindi siya magsi-celebrate ng birthday (December 23), Christmas at New Year. Malulungkot lang daw sila at magkaka-iyakan lalo na ‘pag Bagong Taon dahil family reunion nila ito at sabay-sabay silang nagpapaputok.
Dagdag pa ng actress, kung puwede lang matapos agad ang December para January na agad. Nasa lungkot mode siya ngayon and for two weeks, umiiyak siya na kanyang sinasamantala dahil wala na si Rudy Fernandez na magsasabi sa kanyang ‘wag siyang iiyak.
Kung may birthday wish man si LT, ito’y ang mag-platinum ang Hope album niya under Star Records na lalabas na sa first week ng December at ilo-launch this Monday sa Boy & Kris. May 10 songs ang album kasama ang Far From Home at Kalooban Mo na kinanta niya pareho.
* * *
Mamayang gabi na ang premiere night ng Eraserheads Reunion Concert: The Movie sa SM Megamall at sa November 26, ang regular showing. First time na mangyayari na ang reunion concert ng isang local band ay ipalalabas na pelikula at ito’y dahil na rin sa maraming request ng fans ng banda na hindi nakapanood nang nasabing concert noong August 30.
Kahit ang nasa The Fort sa mismong concert night ay gugustuhing mapanood sa big screen ang concert na hindi natapos dahil sa nangyari kay Ely Buendia.
Available na rin ang soundtrack ng movie under SonyBMG.
* * *
Sa Lalola, matatakot si Sabrina (Angelika dela Cruz) nang makitang basag ang windshield ng kanyang kotse. Makakaisip din siya ng paraan para magkapera.