Sa Malaysia naman rumampa
Para sa huling espesyal na pagtatanghal ng ikaapat na anibersaryo ng Mel and Joey ay dadalhin tayong lahat nina Mel Tiangco at Joey de Leon sa Malaysia.
Una sa kanilang trip ay ang Petronas Twin Tower na pinakamataas sa buong mundo dahil ito’y 452 meters high, may 88 palapag, isang skybridge na nagdurugtong sa dalawang tower sa ika-41st floor, 58 na doubledeck elevator, 32,000 glass windows at kinaroroonan ng sandamakmak na business offices.
Dumalaw din sila sa Genting Highlands-First Hotel na may 6,118 kuwarto, megamall na may tropical rain forest, 80 tindahan, Cineplex, casino, 50-room karaoke bar at dalawang indoor at outdoor themeparks.
Sisilip tayo sa Sultan Abdul Samad Building sa Merdeka na mahalagang landmark dahil sa Victorian at Moorish inspired design, gawa sa tisa at mayroong makintab na Copper Dome at 130 metro ang taas na relo. Bibisitahin nila ang mga Pinoy sa Petalling Street na tila Ongpin o Chinatown at ang oldest mosque na Mashid Jamek. Aakyat din tayo sa Kuala Lumpur Tower na 421 metro at pinakamataas na Communications Tower in the world.
- Latest