Sobrang stress ang na-feel ko noong Biyernes dahil natalo ang Startalk sa contest na sinalihan namin sa Eat Bulaga, ang Sa Pula, Sa Puti.
Ang aga-aga ko pa naman gumising noong Biyernes dahil nakakundisyon na ang pure mind ko na ang grupo namin ang mananalo at matatalo ang Showbiz Central.
Daaay, iba ang nangyari. Luz Valdez ang Startalk group dahil kulang ang sagot ng aming ka-team na si Agnes Suriaga.
Confident pa naman ako na kami ang mananalo dahil talented ang grupo namin. Hindi nga ako kumanta pero bumati ako. Ang pagbati ang aking special talent ‘noh!
Kahihiyan talaga ang nangyari sa Startalk group noong Biyernes pero okey lang. That’s Life. Ang importante, mahirap nang pantayan ang 13 years na pamamayagpag ng show namin sa GMA 7 ‘no!
* * *
Malakas kumain ng lechon si Pia Guanio pero hindi siya tumataba. Napansin ko ang seksing katawan ni Pia nang mag-guest ako sa Eat Bulaga noong Biyernes.
Siney ko na malakas kumain si Pia ng lechon dahil ito ang nilantakan niya sa birthday party ni Mama Malou Fagar. Sarap na sarap si Pia habang kinakain ang balat ng malutong na lechon.
May mga babae na tulad ni Pia na biniyayaan ng magandang katawan. Hindi sila tumataba kesehodang mahilig kumain.
* * *
Nagbukas kahapon ang bagong branch ng Flawless sa Robinson’s Galleria. Hindi na ako nakahabol dahil kasabay ng blessing ang Startalk.
Parami nang parami ang mga branch ng Flawless at isa lang ang ibig sabihin nito, marami ang nagtitiwala sa beauty clinic ni Mama Ruby Coyuito.
Si Lorna Tolentino ang endorser ng Flawless. Na-postpone ang pagpirma ni LT ng kontrata sa ABS-CBN noong Biyernes dahil may sakit yata si Mama Charo Santos-Concio.
Si Mama Charing ang presidente ng ABS-CBN kaya importante na present siya sa contract signing ni LT.
* * *
Sosyal si Lilybeth Rasonable ng GMA 7. Inimbitahan siya na pumunta sa Argentina para magbigay ng talk as in guest speaker siya.
Isa si Mama Lilybeth sa mga bossing ng Kapuso network at siya ang in-charge sa mga drama show ng GMA 7.
Magaling si Mama Lilybeth at ebidensya ang mataas na rating ng mga programa na hawak niya. Excited na si Mama Lilybeth sa kanyang biyahe sa Argentina dahil first time niya na makararating sa bansa ni Evita Peron.
* * *
Type magpainterbyu ng ex-girlfriend ng isang aktor. Imbyerna si ex-girlfriend sa misis ng aktor dahil may-I-use nito sa mga publicity ang kanyang anak.
Yes, may lovechild ang aktor at ang ex-girlfriend. Naiirita si ex-dyowa sa mga pralala ni misis dahil hindi pa nito nakikita ang bagets pero umaasta siya na good step-mother.
Wait na lang kayo sa pag-apir ni ex-dyowa sa TV. Siguradong maglalabas siya ng sama ng loob sa mga showbiz talk show. Palaban siya ‘ha?