Nagwagi ang Haribon Seedlings advocacy ad ng GMA Network ng 2008 Promax Gold Award para Best Public Service Announcement category.
Pinamagatang Haribon’s Road to 2020 Rainforestation, inihalintulad sa mga ulilang bata ng nasabing advertisement ang mga hindi pa naitatanim na butil na nagnanais ng kalinga ng Inang Kalikasan. Hindi lamang nilalayon ng patalastas na isulong ang aksyon para sa kalikasan, bagkus binibigyang-diin din nito ang espesyal na ugnayan ng tao at ng kalikasan.
Layunin ng nasabing TV plug na isalba ang mga rainforest sa Pilipinas. Bahagi ito ng pinagsamang efforts ng GMA at ng Haribon para sa Kapuso Para Sa Kalikasan advocacy.
Tinuturing na pinakamataas na karangalan sa marketing at promotion ang Promax Awards sa buong mundo. Iginagawad ang karangalang ito sa mga kumpanya at indibidwal na may likha ng de-kalibreng produksyon alinsunod sa tatlong pamantayan: overall creativity, production quality, at results sa pagsasakatuparan ng mga marketing objective.