^

PSN Showbiz

Diether nalilito

-

Tahimik pa rin hanggang kahapon si Diether Ocampo. Ayaw pa niyang mag­salita o magbigay ng final statement dahil nalilito pa ang aktor sa nangyayari pero definite na nakapirma siya ng kontrata sa GMA 7 at naka-ready na ang mga gagawin niyang project.

Kahapon ay nagbigay din ng statement ang Star Magic na ikinalilito lalo ng mga mahilig sa showbiz: “Diet remains in Star Magic. We trust he will make the right choice” sabi sa text ni Rikka Dylim, PR directress ng Star Magic.

Pero kahit sino pa raw ang pumigil sa aktor ngayon ay plantsado na ang lahat.

* * *

Kasama pa pala si Sunshine Cruz sa mga endorsers ng Petit Mode (PM) - isang fashion brand. Pero ba’t ganun wala sa siya sa photo releases na ipinamigay sa press. Anyway, nakakaaliw dahil nagkita sa launching ni Carmen Soo bilang bagong endorser ng PM si Sunshine at ang idinemanda niyang entertainment writer at kaibigang si Jojo Gabinete. Ang connection: kamakailan lang ay nabasura ng fiscal ang isinampang kaso ng aktres laban sa manunulat. Dedma lang si Sunshine at humalik kay Jojo na parang wala lang. Parang nalimutan niya yatang idinemanda niya nang walang basehan ang manunulat. Pero maliit lang talaga ang showbiz...

Anyway, mukhang madaling naka-penetrate sa local showbiz si Carmen. Super successful ang Kahit Isang Saglit nila ni Jericho Rosales sa ABS-CBN at ito, ang lalaki ng billboards niya para sa PM.

vuukle comment

CARMEN SOO

DIETHER OCAMPO

JERICHO ROSALES

JOJO GABINETE

KAHIT ISANG SAGLIT

PERO

PETIT MODE

RIKKA DYLIM

STAR MAGIC

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with