Pag-aaral sa NYU ni Patrick ayaw paniwalaan

Nag-e-emote ang dear PSN readers. Ayaw nilang maniwala sa pralala na nag-aral si Patrick Garcia sa New York University.

Hindi raw believable ang balita. May-I-compare nila si Patrick kay Chelsea Clinton na muntik nang hindi makapag-enroll sa Stanford University itsurang mataas ang GPA niya. Baka raw sa ibang school pumasok si Patrick! May ganoon?

O di ba, laman na naman si Patrick ng mga balita dahil magkasama sila ni Glaiza De Castro sa panonood ng concert nina Rihanna at Chris Brown?

Controversy magnet talaga si Patrick. Hindi na nga siya active sa showbiz, hin­di pa siya tinatantanan ng mga intriga. Talagang pang-showbiz siya!

* * *

Wala akong maibabalita sa inyo tungkol sa paglipat ni Diether Ocampo sa GMA 7. Basta ang alam ko, nakipag-meeting na siya sa mga bossing ng Kapuso network at talagang may intensyon siya na mag-ober da bakod.

True ang balita na hinahabol si Diether ng ABS-CBN. Tempting daw ang counter-offer kaya tanging si Diether ang makakapagdesisyon kung itutuloy niya ang paglipat sa masayang bakuran ng Kapuso.

* * *

Naloka ako nang magpunta ako sa presscon ng One Night Only. Naloka ako dahil invited ako bilang reporter pero ako ang ininterbyu tungkol sa house and lot na inuutang ni Paolo Contis sa bangko.

Nahiya tuloy ako kay Boss Orly Ilacad. Ayokong isipin niya na inaagawan ko ng eksena ang mga artista ng One Night Only. Hindi naman pang-one night only ang beauty ko ‘no!

Mukhang maganda ang pelikula dahil nakakaaliw ang trailer ng One Night Only. True ang opinyon ng mga reporter na ang One Night Only ang mahigpit na makakalaban ng Desperadas.

* * *

Ang gaganda ng girls ng One Night Only. Gandang-ganda ako sa mukha nina Valerie Concepcion at Diana Zubiri.

Type ko rin ang pink dress na suot ni Diana na gawa ng fashion designer na si Bong Lazo. Ang husay-husay talaga ni Bong.

Si Bong ang gumagawa ng mga damit na ginagamit ko sa Startalk at sa mga polo ni Bong Revilla. Matagal ko nang kakilala si Bong at habang lumilipas ang panahon, lalong gumaganda ang kanyang mga creation. Call n’yo si Bong sa 925-2309 kung gusto ninyong magpatahi sa kanya ng outfit. Hindi ako magrere­komenda kung alam ko na mapapahiya ako.

* * *

Puro nega news ang nababasa ko tungkol kay Riza Santos. Hindi ko masyadong kilala si Riza pero negang-nega ang kanyang image, base sa mga report na nababasa ko.

Sayang ang magandang umpisa ni Riza sa showbiz. Hindi pa nga diretso ang pagsasalita niya ng Tagalog, puro kanegahan pa ang mga balita tungkol sa kanya. Walang space sa showbiz ang mga baguhan na nagmamaldita.

* * *

Belated happy birthday kay Mayor Toby Tiangco ng Navotas City. Kahapon ang birthday ni Papa Toby at malaking handaan sa City Hall ng Navotas ang ginanap.

Dumating sa party ni Papa Toby sina Papa Erap Estrada at Mayor JV Ejercito. Kumpleto ang kaligayahan ni Papa Toby dahil pinaunlakan ni Papa Erap ang kanyang imbitasyon at nakapiling niya ang mga ma­babait at masunuring residente ng Navotas.

Show comments