Jinggoy ka-join sa Festival dahil kay Daboy

Sa ikalawang pagkakataon, ka-join si Sen. Jinggoy Estrada sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Kaibigan na dedicated niya sa namaya­pang kaibigang si Rudy Fernandez.

Kasama niya sa pelikula sina Dawn Zulueta, Maricel Laxa at Christopher de Leon.

At tulad ng Katas ng Saudi, ang Magkaibigan ay produced ng kanyang sariling movie company na Maverick Films na sinulat at dinirek ni Jose Javier Reyes na kilala sa mga pelikulang pang-pamilya.

Ang naunang festival entry ni Jinggoy na Katas ng Saudi ay nagbigay sa kanya ng dalawang best actor awards - mula sa MMFF at Philippine Entertainment Press (Golden Screen). Na-nominate din siya sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino (URIAN) para sa nasabing pelikula.

Totoong kuwento ng pagkakaibigan nila Daboy ang pelikulang Magkaibigan. Meron din special participation si Tirso Cruz III.

Show comments