Halos iumpog ni Jericho Rosales ang ulo niya sa presscon ng pang-MMFF entry ng Viva Films na Baler nang sa halip na ang pangalan ng leading lady niya na si Anne Curtis ang masambit niya bilang kasagutan sa isang tanong ng press ay pangalan ng ex niyang si Heart Evangelista ang nasabi niya.
‘Happy ako kung may boyfriend na siya, kung may bago na siyang show. Of course, naaalala ko pa rin siya. She made my life more colorful,” sabi niya tungkol sa dating girlfriend na madalas pa ring nababanggit tuwing ini-interview siya.
The actor is trying hard to move on. Inamin niyang wala siyang iniwan ni isa man sa mga nakarelasyon niya - Angelika dela Cruz, Kristine Hermosa, Cindy Kurleto and Heart Evangelista.
“Ni isa man sa kanila, hindi ko iniwan, hindi lang naging maganda ang naging paghihiwalay namin,” imporma niya.
Sa lahat ng naging girlfriends niya, si Angelika ang kabiruan niya hanggang ngayon.
“Happy ako para sa kanya, sa marriage niya, sa pregnancy niya. Binabati ko siya,” sabi niya.
Sa tagal na niyang umaarte sa harap ng camera at sa rami nang magagandang roles na nagampa-nan na niya, maituturing na isang landmark role ang role niya bilang Celso Resurrecion, isang Espanyol na umibig sa isang Pinay, kay Felisa Reyes (Anne), na ang ama ay miyembro ng grupong lumalaban kina Celso. Para sa kanyang role, nanaliksik si Jericho at pinaghandaang mabuti ang pelikula na bukod sa napakaganda ng trailer, gaano man kaiksi ito ay maganda pa rin ang theme song na kinakanta ni Sarah Geronimo.
Dahil first time magkapareha ng dalawa, nagkahiyaan pa sila sa first shoot ng movie na ang unang eksena kaagad ay kissing scene.
“Napaka-passionate pa ng eksena kaya ni hindi kami nag-uusap ni Anne,” who went through the scene like a true professional. Ganundin naman si Anne who says: “Kissing scenes are part of my job, of what I do. Wala itong kaso sa akin,” sabi niya.
Ang Baler ay nasa direksyon ni Mark Meily mula sa script ni Roy Iglesias. Kasama sa cast sina Carlo Aquino, Nikki Bacolod, Mark Bautista, Michael de Mesa, Ryan Eigenmann, Baron Geisler, Bernard Palanca, Joel Torre, Leo Martinez, Allen Dizon,DJ Durano, Arvee Quizon at Jao Mapa.
* * *
Hinarap nila Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga kontrabersiya tungkol sa kanila sa isang sit down interview na ginawa sa kanila ng Showbiz Central kahapon.
Dapat lamang, may pelikula silang ipalalabas, kung gusto nila itong pumatok dapat talagang alisin nila ang lahat ng negatibong aspeto na ikinakabit sa kanila ngayon.
Napanood din sa SC ang bagong kaanyuan ni Jinky Oda na isang mestiza na ngayon. Bumagay sa kanya ang bago niyang looks.
* * *
“Nakaka-baliw to the max!” pahayag ng isang miyembro ng press na nakapanood ng Da Spooftacular Showdown na ginanap sa Music Museum last November 7 and 8.
Pinatunayan nina Jon Santos, Candy Pangilinan at John Lapus na kabilang sila sa comedy royalties ng bansa dahil successful ang first two nights ng kanilang show.
Pagkatapos ng show, lumabas na nakangiti ang mga manonood na para bang hindi na maka-recover sa mga pagpapatawang ginawa ng tatlo at ng kanilang espesyal na panauhin na si Vice Ganda.