Sunshine naaksidente!
Ano ba ang nangyayari kay Jennylyn? Hindi pa man nakakatapos ng kanyang trabaho sa pelikulang One Night Only na pang-MMFF si Jennylyn Mercado pero umalis na ito kasama ang kanyang manager at pumunta ng US. Hindi naman nagtatapos sa pagda-dubbing ang kanyang work for the movie.
Kailangan din niyang tumulong sa promosyon nito. Eh balitang sa Disyembre pa ang uwi niya so papaano pa siya makakapag-promote? Eh importante ang print promo.
Ayaw ba niyang pa-interview? Paano siya pagkakatiwalaan ng trabaho kung ganyang nagpapakita siya ng unprofessionalism? Eh siya itong kailangang-kailangan ng trabaho dahil may binubuhay siyang anak. Ipaliwanag mo nga ito, Jennylyn. O ng manager mo.
* * *
Bakit ba lately minamalas si Sunshine Dizon? Kagagaling pa lamang niya mula sa pagkakasakit at kababalik pa lang niya sa trabaho pero eto at naaksidente na naman siya!
Sana minor accident lang ito para makabalik na siya sa trabaho.
* * *
Parang nauuso ngayon ang pagbubuntis. Okay lang kung may asawa pero, kung hindi, parang hindi magandang impluwensya ito, lalo na kung public figure at tinitingala ng publiko.
Buntis si Jaya, dalawang buwan daw. Ganundin si Angelika dela Cruz. At si Nancy Castiglione na nagdagdag ng Jane sa kanyang name. Five months preggy si Nancy Jane at ayaw niyang pag-usapan ang ama ng kanyang magiging anak dahil very private person daw ito. Wala rin daw silang balak na magpakasal. Ganun?!
* * *
Tuwang-tuwa ang mga Noranians na tumawag sa akin dahil napili ang pelikula ni Nora Aunor na Himala na dinirek ni Ishmael Bernal bilang isa sa Top 10 Movies in Asia kasama ang Crouching Tiger, Hidden Dragon at Chunking Express, China; Pather Panchali, India; Spirited Away (animation), Seven Samurai (Japan); Internal Affairs, Hong Kong; Gallipoli, Australia; Old Boy, South Korea at isa pang movie from Iran. Ang Himala ay gawa ng Experimental Cinema of the Philippines.
Paano ba naman hindi matutuwa ang mga fans ng superstar kung ganyang naririnig na naman ang pangalan ng kanilang idolo. Busy na naman ito at babalik pa ng bansa.
* * *
Parami nang parami ang gumagawa ng indie films. At nananalo ito sa mga film competitions. Kung dati mga baguhang direktor lamang ang gumagawa ng ganitong movies pero ngayon may mga malalaking pangalan pa. Sana naman iba-ibahin nila ang tema ng kanilang mga pelikula, huwag yung puro kabaklaan lamang at sex.
- Latest