Heart mas enjoy sa matanda; Sikat na aktres nagmaldita sa kamag-anak

Bongga ang press launch ng Luna Mystika na tinatampukan ni Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez. Dual role ang gagampanan ng magandang aktres bilang si Luna at Celestina.

Mas gumanda ang career ni Heart sapul nang maging Kapuso at puro magagandang projects ang naibibigay sa kanya.

Kamakailan lang ay nagbakasyon sila ng non-showbiz boyfriend sa Boracay. Isa itong shipping magnate na nagngangalang Francisco Delgado. Limang buwan na silang magkarelasyon at 34 years old na ito kaya eleven years ang tanda nito sa aktres dahil 23 years old pa lang si Heart.

Aminado naman si Heart na mas enjoy siya ngayon sa older men. “They have a lot of wisdom at kaya ka nilang protektahan,” aniya.

* * *

Bongga ang Christmas party ng TV 5 para sa press noong Miyerkules. Ideya pala ng marketing manager na si Pat Marcelo-Magbanua na magkaroon ng mga booths sa A-Venue kung saan pwedeng maglaro ang mga press people na may nakalaang premyo bukod pa sa numerologist kung saan sila pwedeng magpahula.

Bongga rin ang pa-raffle kung saan nanalo kami ng digital camera.

Hindi nagpatalbog ang ever controversial na si Gretchen Barretto dahil sa grand entrance at sa bonggang presscon para sa bago niyang game show na You & Me Against the World.

Nagkatuwaan ang lahat nang may mag-suggest na ipa-raffle nito ang kanyang suot na sapatos na ayon sa balita ay nagkakahalaga ng P40,000.

* * *

May bago na namang kwento tungkol sa sikat na aktres na nagbago ng pag-uugali sapul nang sumikat nang husto.

Ayon sa isang source, may kaibigan ito na kamag-anak ang isang aktor. Malapit lang sa opisina minsan ang taping ng soap opera kaya tuwang-tuwa ang kaibigan. Niyaya nito ang ilang malalapit na officemates para dumalaw sa set.

Nang naroon na sila ay nilapitan ng kaibigan ang sikat na aktres at kinumusta siya. Parang malamig ang dating sa aktres at parang balewala nang ipakilala ang mga kaopisina. Nagpaalam agad ang aktres at nang nasa dressing room na ay narinig ng staff ang sinabi nito, “Nagtatrabaho ka, istorbo sila, (patungkol sa kaibigan at mga kaopisina).”

Naku, maamo pa naman ang mukha ng malditang aktres.

Show comments