Kung sa programang Survivor Philippines ay maagang na-vote out ng mga kulang-kulang sa 20 niyang kasamahan si Reynaldo C. Flores, Jr., mas kilala sa palayaw niyang Jace, tumagal kaya siya sa mas magulo, mas maintrigang mundo ng showbiz na kung saan ay sumusubok siya ngayon?
“I came to the Philippines to play basketball, instead nagkaro’n ako ng isang wild, crazy adventure sa buhay when I joined Survivor,” panimula ng 19-year-old, 5’8” na sports buff na nagsimulang pumila sa SM North EDSA ng 6 p.m. pero nakapasok ng mall ng 7 p.m. ng nasabi ring araw.
“There were more than 15,000 people who wanted to audition, pang-6,000 ako. Mga 9 p.m pa bago ako natawag.
“I was tempted to quit several times but I thought maybe, my being there was meant to be something. Even when I was chosen as a finalist, gusto ko na ring umayaw dahil for the first five days puro hilaw ang kinakain namin na isda, suso, kuhol. Wala kasing panluto eh, iba yung sushi sa kinakain naming raw food. Several times I threw up. Tapos ang lamig pa, hindi lang umuulan, talagang bumabagyo dun sa place na pinuntahan namin,” patuloy pa ni Jace na natural na guwapo naman pala sa personal.
Sa TV kasi iba ang dating nilang lahat. Akala ko chaka (pangit) silang lahat.
Ang galing na ring mag-Tagalog ni Jace who admits na nang una siyang dumating dito, a year ago, ay wala siyang alam ni isang Tagalog word.
Sabi ni Jace, hanggang ngayon ay umaasam pa rin siyang makapaglaro ng basketball sa college but he has to set aside this dream in order to play the role of an anak mayaman, the town bully in Luna Mystika, ang pinakabagong serye ng humahawak sa kanyang GMA Network na nakatakdang magsimula sa November 17, Lunes.
* * *
Galit talaga si Sharon Cuneta nang makausap ng ilang press sa shoot ng Iskul Bukol…20 Years After na kung saan ay mayro’n siyang cameo role bilang youngest sister ng Escalera Brothers (Tito Sotto and Joey de Leon).
“Early teen years ko nang makasama ako sa sitcom kaya ngayong may reunion movie ito, kailangan kasama rin ako,” sabi ng Megastar na imbes na happy mood ay galit na humarap sa media.
Sharon is offering P10M para sa sinumang makakapagpakita raw ng pruweba sa mga ibinibintang sa kanyang asawa ngayon.
“Naiinis ako dahil medyo OA na ang mga balita. Madali namang patunayan ito kung totoo but, so far, puro tsismis lang ang lahat.
“I’ve been in the business for 30 years, dapat graduate na ako dito. I feel masyado akong nice sa tao kaya ako ginaganito. Ano ang kailangan kong linawin? I’ve been married 12 years at walang mag-asawa na hindi nagkaro’n ng kahit konting away. Kung may babae si Kiko, bigyan nila ako ng pruweba. Hindi ako magiging lonely because of it,” hamon niya.
Hindi lamang naman siya ang guest sa Iskul Bukol…20 Years After which stars aside from Tito & Joey, Vic Sotto , Bibeth Orteza, Jimmy Santos, Mely Tagasa, Anthony Roquel, and the industry’s luminaries like Ryan Agoncillo, Carlene Aguilar, Robert Villar, Francine Prieto, Keempee de Leon, Oyo Sotto, EB Babes at Benjie Paras.
Maski na si Ritchie D’ Horsie had to be bailed out from QC jail where he has been for four years now dahil hindi kompleto ang cast kung may kulang na isa. Si Mang Temi lang ang wala dahil namatay na ito.
* * *
Official nang si Gretchen Barretto ang reyna ng TV 5. Pinakahuli siyang iprinisinta sa pinakamaagang Christmas party na ibinigay para sa entertainment press ng nasabing network na sa tatlong buwang pagiging aktibo sa ere ay masayang inihayag ang kanilang pagiging No. 3.
Hindi ko lang alam kung matutuwa ang GMA 7 dahil pangalawa lamang sila sa survey na ginawa ng TV5, pangalawa lamang sa nangungunang ABS-CBN.
Isinabay na rin sa okasyon ang launch ng pinakabagong mga palabas ng istasyon at pagpasok sa second season ng ilan nilang shows.
Si Gretchen ang host ng pinakabagong game show ng TV5 ang You & Me Against the World, na nagbibigay ng isang milyon linggu-linggo ng walang pasubali.
Isang season muna ang pinirmahang kontrata ng magandang aktres na pati ang mamahalin niyang Oscar dela Renta na sapatos ay pinayagan niyang mai-raffle sa nasabing Chrstimas party. Gusto pa nga ng iba ay yung kanyang emeralds ang ipamigay pero sinabi niyang bigay lamang ito sa kanya kaya hindi puwede.
Is she out to compete with Kris Aquino na sinasabing reyna ng game show?
“I’m not claiming to be a game show host, nor am I here to compete or beat anybody. I just want to make people happy. I have gone through so much in life. Ayaw ko nang maging negative, hindi ito maganda para sa akin, mas gugustuhin kong maging positibo,” sabi ng kontrobersiyal na aktres.
Enjoyable yung party ng TV 5. Kasi ang daming nag-avail ng libreng massage. Ang daming naglaro ng mga games na offered, ako nga twice nanalo sa mga palaro.