Napili na ang 13 college bands mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao ng popular na labanan ng mga amateur bands, ang Nescafe Soundskool 2008.
Ang Top 13 finalists ay magkakaroon ng oportunidad na mag-perform kasama ang mga sikat na banda sa Sabado, November 15 sa ULTRA.
Apat na taon na itong ginagawa ng Soundskool at sa katunayan, iniendorso na sila ng Commission on Higher Education (CHED) dahil sa pagiging instrumental nila sa pagsasanay at pagpapaangat ng mga talented young musicians sa buong bansa.
Narito ang mga banda mula sa Mindanao: C-Shifter (Davao Doctors College), Keyk (St. Mary’s College), at Teachers Stand Together (Xavier University-Ateneo de Cagayan).
Rock and reggae naman ang handog ngVisayas: Skalivur (Easter Visayas State University), Baronets (University of Cebu), at Sounvile (STI Tacloban).
Ang mga pride of Luzon naman ay Maracore (Lyceum Institute of Technology), Flaurah (Calayan Education Foundation), at 7th School (Wesleyan University).
Ang Greater Manila Area (GMA) naman ay nakapili rin ng maipagmamalaki. Mula sa St. Scholastica’s College ay ang Grace Note, Project ang sa Jose Rizal University, Letter Day Story naman ang sa East Asian College, at ang Hooligans ay galing University of Santo Tomas.