^

PSN Showbiz

Asawa ni Rose Flaminiano inaresto!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi na ako nakapunta sa presscon ng Luna Mystika noong Martes dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Hindi ko pinangarap na ma-stranded sa baha. OA ang malakas na buhos ng ulan kaya ang presscon ni Shirley Pizarro para sa tatlong vocalist ng Back To Back To Back, ang concert sa Araneta Coliseum sa December 1 ng Side A, MYMP at Freestyle ang napuntahan ko.

Ako ang pinakamaagang dumating sa presscon venue. In fairness to me, hindi ako nagpabalot. Nag-order lang ako ng sago gulaman at ng Hungarian sausage.

Pinakamaagang dumating sa mga vocalist si Joey Generoso ng Side A Band. Maya-maya, si Juris Fernandez ang umapir at siya ang naki-table sa amin.

Nabaligtad ang eksena ‘ha? Imbes na ang mga re­porter ang magtanong kay Juris, siya ang nagta­nong sa amin tungkol sa break-up nina Karylle at Dingdong Dantes.

Naloka ako kay Juris dahil sinusubaybayan pala niya ang lovelife nina Dingdong at Karylle. Nag-dialogue pa siya na kawawa naman si Karylle.

Masyadong nag-enjoy si Juris sa pakikipag­tsikahan sa amin kaya ayaw niyang lumipat sa ibang mesa para mainterbyu siya ng ibang mga reporter.

Si Juris ang vocalist ng MYMP. Nag-umpisa na siyang mag-rehearse para sa concert nila sa Araneta Coliseum. “Secret” ang sey ni Juris nang itanong ang mga kakantahin niya sa concert. Pasalamat si Juris dahil love ko si Shirley at naawa siya kay Karylle or else, isisikreto ko rin ang date ng kanilang concert.

* * *

Mabilis na kumalat ang balita na dinakip ng mga pulis si Atty. Ed Flaminiano. The who si Atty. Ed?

Siya ang better-half ni Mommy Rose Flaminiano. Siya ang tumawag kay Jobert ng Mr. Sucaldito, Sucal-doon.

Hindi natuwa si Jobert sa panglalait sa kanya ni Atty. Flaminiano kaya kinasuhan niya ng libel ang dyowa ni Mommy Rose. Saan? Sa Iloilo!

Nabasa ko kahapon sa diyaryo na kakasuhan naman ni Atty. Flaminiano ang judge at si Jobert dahil sa pagkakadakip sa kanya. Nag-dialogue siya na hindi pa tapos ang laban.

Ano ang sey ni Jobert? Talagang hindi pa tapos ang laban dahil nag-uumpisa pa lamang ito. Pupunta pa raw sa Iloilo ang magdyowang Flaminiano para sa hearing ng kanilang kaso.

May libel case rin na isinampa ang magdyowa laban kay Jobert. Naka-file ang kaso sa Tarlac. Pinupuntahan ni Jobert ang lahat ng preliminary investigation sa Tarlac at waiting na lang siya sa resolution.

* * *

Magkabati na sina Pauleen Luna at Michelle Madrigal. Hindi na sila dapat intrigahin dahil friends na uli sila.

Tinawagan ni Pauleen si Michelle bago nag-umpisa ang taping ng Luna Mystika. Hindi nga naman maganda na magkasama sila sa trabaho pero nag-iimbyernahan sila.

Feeling sad pa rin si Pauleen dahil sa pagkamatay ng kanyang lola. Naloka si Pauleen sa kadatungan na nakita niya sa iba’t ibang lugar ng bahay ng kanyang lola dahil hindi nga ito nag-iipon ng pera sa bangko!

Mami-miss ni Pauleen ang lola niya dahil ito ang taga-gising sa kanyang madir tuwing umaga.

Matapang na babae si Pauleen. Hindi raw siya matatakot kung sakaling magparamdam sa kanya ang namayapang lola.

* * *

Masaya ang fans ni Susan Roces dahil nalaman nila na si Maricel Soriano ang gaganap sa TV remake ng Florinda.

Maganda ang kuwento ng Florinda na ginampanan noon ni Manang Inday. Pareho nilang idol sina Manang Inday at Maricel kaya aprubado sa kanila na si Maricel ang bagong Florinda.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DAHIL

FLAMINIANO

FLORINDA

JOBERT

KARYLLE

NAG

PAULEEN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with