Congrats muna sa aking favorite na si Sarah Geronimo dahil hit na hit ang kanyang concert sa Araneta Coliseum noong Sabado.
Nabalitaan ko na tagumpay ang concert ni Sarah. Hindi na ako nanood dahil hindi na nga ako sanay na magpuyat. Sigurado naman ako na ipalalabas din sa TV ang concert ni Sarah.
Hindi ako masyadong rumarampa tuwing Sabado dahil pagod ako sa Startalk. Hindi biro ang bumati ng maraming tao at produkto sa loob ng isang minuto. Nakakahingal ‘noh!
Maiintindihan ako ni Sarah. Knows niya na hindi ko man napuntahan ang kanyang concert, favorite ko pa rin siya.
* * *
Mama Salve, nabasa ko ang isinulat mo na napailing na lang si Claudine Barretto nang malaman nito na guest si John Estrada sa pilot telecast ng You & Me Against The World, ang game show ng kanyang ate Gretchen sa TV 5.
May dahilan para mapailing si Claudine dahil naimbyerna rin siya noon kay John nang kumalat ang kissing picture nila ni Gretchen. Ang ending, nakipagbati si Greta kay John.
Kilalang-kilala ni Claudine ang kanyang ate. Alam niya na kayang-kayang gawin ni Greta ang anumang bagay na gustuhin nito.
Si Gretchen at ang show nito ang makikinabang sa guesting ni John dahil pag-uusapan ito ng madlang-people. Marami ang mag-aabang sa pilot episode ng You and Me Against The World dahil type nilang ma-witness ang paghaharap nina Greta at John mula nang kumalat sa internet ang mga picture nila na naghahalikan. Knows ni Gretchen kung paano i-shock ang mga tao!
* * *
Watch n’yo ngayong hapon ang pag-uumpisa ng Saan Darating Ang Umaga para magkaroon ito ng mataas na rating at maging masaya si Yasmien Kurdi.
Importante kay Yasmien na mag-rate ang kanyang bagong sine novela sa GMA 7. Kapag nag-rate ang show, tanggap ng fans ang loveteam nila ni Dion Ignacio. Puwede nang sabihin ni Yasmien na kaya niya na maging bida na hindi si “that person” ang kanyang katambal.
Si JC De Vera ang “that person” sa buhay ni Yasmien. Naloka ang mga reporter na dumalo sa presscon ng Saan Darating Ang Umaga dahil “that person” daw ang tawag ni Yasmien kay JC.
Ka-join sa Saan Darating Ang Umaga sina Lani Mercado, Joel Torre, Gary Estrada at marami pang iba. Kung napaiyak kayo sa movie version ng Saan Darating Ang Umaga, mas nakakaiyak daw ang TV remake.
* * *
Sosyal ang Japanese actor na si Jacky Woo. Sosyal dahil kasama siya sa pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival.
Kasali si Jacky sa cast ng Iskul Bukol, The Reunion. Dumating siya mula sa Japan noong isang araw.
Dumiretso si Jacky sa shooting ng Iskul Bukol sa Tanay, Rizal. Shimata-San ang name ng karakter ni Jacky sa filmfest movie ng M-Zet Films. Pumayag siya na ipakita ang tattoo sa kanyang buong katawan para believable ang role niya.
Love na talaga ni Jacky ang Pilipinas. Komportable na ang buhay niya sa Japan pero balik pa rin siya nang balik sa ating bansa. Ugaling Pinoy na nga si Jacky. Nagpo-produce siya ng pelikula at mga show para makatulong daw siya sa mga Pilipino. Kakaiba siya ‘ha?