Not once but twice... Andrea bokya na naman sa French BF

Break na naman si Andrea del Rosario sa kanyang second French boyfriend. Magtatatlong taon ding tumagal ang relasyon nila. Geographical differences ang ibinigay nitong dahilan.

“Mahirap talaga yung long-distance relationships. Like kung gusto kong lumabas wala akong makasama. When I’m lonely, wala akong makausap. Kapag kailangan ko siya, palagi siyang wala.

“Dumating naman siya nung wake ng father ko pero siguro na-realize ko na ayaw ko nang mag-isa. Kahit hindi magandang pakinggan, sinabi ko sa kanya na ayaw ko nang puntahan niya ako,” sabi na may bahid lungkot ng seksing aktres.

Nakipag-break din si Andrea noon sa kanyang unang French boyfriend. Mas matagal ang naging relasyon nila, umabot ng limang taon.

Sa kasalukuyan, may isang negosyanteng pulitiko na umaaligid kay Andrea. Pero lubhang maaga pa para sabihin niya kung handa na ba siyang makipagrelasyong muli. 

“Maghintay na lang kayo ng political campaign for 2010. Kung sino man ang ikampanya ko, siya na yun,” aniya.

Kasama si Andrea sa pagsasalin sa telebisyon ng magandang pelikulang Saan Darating ang Umaga ni Maryo J. delos Reyes. Tampok sina Joel Torre, Lani Mercado at Yasmien Kurdi. Gagampanan nila ang mga roles na ginampanan nun nina Nestor de Villa, Nida Blanca at Maricel Soriano. Gagampanan ni Andrea ang role ng kaibigan ni Yasmien, na ginampanan noon ni Chanda Romero.

“Hindi ako kontrabida, confidante ako ni Yasmien dito pero hindi ako sigurado kung magiging mabait ako all throughout, my role might end up differently dahil babaguhin ang istorya ng movie for TV,” imporma ni Andrea.

* * *

Disappointed ang maraming televiewers sa wakas ng Gaano Kadalas ang Minsan. Talagang hindi pa ready ang maraming Pinoy sa ganitong klaseng ending na kung saan namamatay ang bida.

Ang daming naghintay kung makukuha ng character ni Camille Prats ang puso ng kanyang ina na nasagaan (Ces Quesada).

Mas okay na sa akin ang ganitong ending kesa naman yung ending ng Dyesebel na parang nangapa ang writer kung paano wawakasan ang istorya kaya ginawa na lamang itong komersyal. Feeling ko minenos ang intelligence ng mga manonood.

Bumawi naman si Cherry Pie Picache sa ending ng Iisa Pa Lamang. Pinatunayan niya, she’s still the actress to reckon with pagdating sa character acting. Hindi rin nagwakas ang serye na tuluyan siyang bad. Ginawa siyang good mother sa huli.

Naawa lamang ako kay Scarlet (Angelica Panganiban) na walang ama ang anak dahil namatay si Miguel (Diether Ocampo). Sabi ng mga kasama kong nanonood, dapat nakuha ni Scarlet si Miguel dahil naging good girl siya and happy naman sila that Katherine (Claudine Barretto) ended up with Rafael (Gabby Concepcion).

Feeling ng mga televiewers pinalungkot sila ng mga seryeng matagal nilang sinubaybayan. Feeling nila nag-aala Koreanovela ang mga seryeng Pinoy dahil akala ng mga nagpapalabas nito, ito ang gusto ng mga manonood.

Pwes, mali sila!

* * *

Aba, mukhang madaragdagan pa ang intriga na ipinupukol sa magka-loveteam na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa isyung break-up nina Dingdong at Karylle. After Dingdong, si Marian naman ang nagpapatayo ng kanyang 12-door apartment.

Tampok na kuwento ito sa Showbiz Central this afternoon together with Eddie Gutierrez’s angioplasty and Angelika dela Cruz’s pregnancy. Abangan!

Show comments