^

PSN Showbiz

Iza Calzado gustong makapareha si Goma

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Dalawang print ads ng One True Love ang inilabas ng GMA Films at Regal Entertainment. Sa isa’y magkasama sina Marian Rivera at Dingdong Dantes at sa isa’y nagsosolo si Iza Calzado at dito pa lang, alam na kung sino ang magkakatuluyan in the end.

Tinupad ng mga producers at ni direk Mac Alejandre ang ipinangako kay Iza na hindi siya maaagrabyado sa pelikula dahil alagang-alaga siya mula sa role at promo at binigyan pa nga ng solo presscon. Sa presscon, tinanong si Annette Gozon-Abrogar sa billing ng tatlo, wala pa itong maisagot that time dahil pag-uusapan pa, and hopefully, maganda ang billing ni Iza.

Samantala, sa Huwebes na ang pilot ng Obra na for four weeks, si Iza ang featured actress. Ang horror episode na Sanib, mapapanood na kasama niya sina Ian de Leon, Rommel Padilla at Isabel Granada sa direksyon ni Topel Lee.

Kung nabigyan ng chance, gusto sana ni Iza ng episode na mala-Pretty Woman nina Julia Roberts at Richard Gere at si Richard Gomez ang napili niyang leading man. Bagay daw ang actor sa rom-com o romance comedy story, kaso four weeks lang siya sa Obra at nakalatag na ang mga episodes na kanyang gagawin.

* * *

Madi-disappoint ang mga fans nina Kristine Hermosa at TJ Trinidad na naghihintay nang follow-up soap ng dalawa dahil si Jericho Rosales ang makakatambal ng aktres sa susunod niyang soap. Masisipag pa namang mag-email sa press at sa ABS-CBN bosses ang Kristine-TJ fans para i-remind ang network sa pangako nilang soap para sa dalawa.

Kaya lang, mauuna ang Kristine-Echo project at balita namin, malapit nang makipag-meeting ang aktor at kanyang manager sa ABS-CBN management para pag-usapan ang project nila ni Kristine na in fairness, marami rin ang naghihintay.

Hindi raw remake ng Maruja ang gagawin nina Jericho at Kristine, but a different story na maganda at babagay sa kanilang dalawa. Balik-tambalan nila ito at gusto ng lahat ng mga involved ay espesyal ang istorya.

Samantala, tinatapos ni Jericho ang pelikulang Baler na entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival, pero sa November 26, sasaglit siya sa Toronto, Canada para sa isang show at tutuloy siya sa Calgary para bisitahin ang kapatid.

* * *

Nag-last taping na ang Codename: Asero ni Richard Gutierrez at hanggang November 14, na lang ang action series niya sa ere. Titiyakin ng GMA 7 na hindi mami-miss ng kanyang fans ang actor dahil bago nito gawin ang Zorro, ipi-feature muna siya sa Obra.

Hindi lang malinaw sa amin kung siya na ang isusunod kay Iza Calzado o mauuna si Jennylyn Mercado na ang unang balita, sa December ipi-feature. Napag-alaman naming magre-replay sa buong December dahil sa buwang ito’y walang masyadong pumapasok na commercial load.

Kung mangyayari ito, baka January next year na lumabas sa Obra si Jennylyn at February si Richard na tamang-tama dahil Valentine’s Day presentation ang movie nila ni KC Concepcion sa GMA Films na may tentative title na Save the Best for Last. Ang ganda sana kung makakapag-guest si KC sa isang episode ng Obra para ma-promote ang movie nila ni Richard.

ANNETTE GOZON-ABROGAR

DINGDONG DANTES

ISABEL GRANADA

IZA

IZA CALZADO

JENNYLYN MERCADO

JERICHO ROSALES

JULIA ROBERTS

KRISTINE

OBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with