Sino kaya ang mapalad na may hawak ng coupon na mananalo sa puso ng dalaga?
Muling pakiligin ang inyong mga hapon sa isa na namang cute at exciting na love story kasama si Rainie Yang (Chou Yu ng Meteor Garden) sa pinakabagong Taiwanese series na Why Why Love simula ngayong araw.
Sundan ang kuwento ni Stephanie (Yang), isang raketerang dalagang triple kumayod matustusan lang ang pangangailangan ng pamilya. Determinado itong maiahon ang ina sa pagkakabaon sa utang kung kaya’t pati sarili niyang buhay pag-ibig ay pinabayaan muna.
Buti na lang at nariyan ang kanyang best friend na si Joanna upang bigyang kulay muli ang kanyang boring life sa pamamagitan ng paglalagay ng ‘love coupon’ sa mga coupon na ibinebenta niya sa isang charity event.
Sa di inaasahang pangyayari, mabubunot ito ng guwapo at matagal ng crush ni Stephanie na si Joseph (Kingone Wang), isang general manager ng shopping mall at perfect guy na maituturing dahil sa sadya itong matalino, responsable, at maginoo.
Maari sanang hingin ni Joseph ang puso ni Stephanie bilang bisa ng nabunot na love coupon pero paano kapag naningil din ang rebeldeng half brother nito na si Joshua (Mike He) na nakabunot naman ng coupon na ang kapalit ay ang pagsunod ng dalaga sa anumang gustuhin niya?
Parehong makikilala ni Stephanie ang tunay na pagkatao ng dalawa at ang magkapatid ay pareho ring mahuhulog sa kanya.
Sino kaya ang pipiliin niya? Ang perfect guy na handang magmahal sa kanya o ang rebellious heartthrob na mas napalapit sa puso niya?
Tunghayan ang isa sa best rated series sa Taiwan at buong Asya, ang Why Why Love, weekdays simula Lunes (Nov 3) pagkatapos ng Basketball Tribe sa ABS-CBN.