Piolo 'ipinagpalit' si Angel kay KC!

Parang mali ang tsikang dahil daw sa ibinunyag ni Mel Pulmano na pag-aaway araw-araw nina Angel Locsin at manager nitong si Becky Aguila noong bagong lipat sa ABS-CBN ang actress dahil ayaw daw lumipat ni Angel, kaya ibinigay ng network kay KC Concepcion ang bagong teleserye na muling pagtatambalan daw nina Angel at Piolo Pascual.

In fairness, matagal na naming naririnig ang KC-Piolo project, bago pa ang interview kay Mel. Nasa ABS-CBN kami nang marinig ang kuwentuhan ng dalawang empleyado at pinag-uusapan ang KC-Piolo project. Akala namin noong una, pelikula ang gagawin ng dalawa, until may makapagsabi sa aming teleserye ang kanilang gagawin.

Tatapusin lang ni KC ang GMA Films movie nila ni Richard Gutierrez at saka gagawin ang teleserye nila ni Piolo. Next year pa ito gagawin kaya wala pang details, wala pang story at concept at lalong wala pang title.

* * *

Sa tulong ni Rams David, PUM ng Luna Mystica, nakausap namin sa phone si Jace Flores, ang latest na-vote out na castaway sa Survivor Philippines at kasama sa cast ng fantasy-drama. Excited na itong mag-report sa kanyang first taping day any day now. Gagampanan niya ang role ni Lucas Meneses, rich town bully na obessed kay Iwa Moto. 

Isa sa ikinatuwa ni Jace na mapasama sa Luna Mystica ay dahil si Heart Evangelista ang bida na kanyang showbiz crush. Kung i-describe nito ang actress ay “close to being perfect.” Wala raw magseselos na gf sa inaming crush niya si Heart dahil single siya at wala rin silang relasyon ni Veronica Domingo, co-castaway niya na akala ng viewers, kanyang nililigawan.

“Wala kaming romantic involvement ni Veronica, close lang kami, she’s my best friend noong nasa island ako. She provides me body heat dahil malamig sa island at taga-kamot ko sa insect bites. As best friends ang MU namin at may contact pa rin kami up now, nagdi-dinner kaming dalawa lang,” sabi ni Jace.

Marunong mag-Tagalog si Jace, kaya hindi siya mahihirapan sa kanyang lines, ang dapat lang niyang alisin ay ang kanyang accent. Magwo-workshop din siya at magbabasa ng diyaryo para mas ma-improve pa ang kanyang Tagalog.

* * *

Big fan ni Maricel Soriano ang mother ni Yasmien Kurdi, kaya siguradong tuwang-tuwa ito na ang anak niya ang gaganap sa role ni Maricel sa TV remake ng Saan Darating Ang Umaga sa Sinenovela slot ng GMA 7. Tiyak ding napanood ng mom ng young actress ang pelikula at ngayon, ang anak na niya ang gaganap sa role ni Shayne sa TV remake ng movie.

Sa presscon ng Saan Darating Ang Umaga, kahit iwasan ni Yasmien, hindi mapipigilan ang press na tanungin siya sa isyu nila ni JC de Vera. Wala nga silang away, pero hindi na sila nagbabatian. Itinuro ni JC si Yasmien, ito na lang daw ang tanungin kung bakit hindi na tulad ng dati ang kanilang samahan at kung bakit hindi siya nito binabati ‘pag sila’y nagkikita.

Si Dion Ignacio ang kapareha ni Yasmien sa Saan Darating…, at si Rhian Ramos naman ang leading lady ni JC sa Lalola, pero malaki ang posibilidad na muling pagtambalin sina JC at Yasmien sa mga susunod na projects ng GMA 7.

Show comments