Sinilipan daw ng 'pechay';Masungit na sikat na aktres kinompronta ang cameraman

Pagiging totoo lang ba sa sarili ang lumabas sa bibig ng isang sikat na aktres o sadyang kawalan ng breeding?

Off-camera ang eksenang ito, mula sa kuwento ng isang cameraman na katrabaho ng aktres at ng kanyang paboritong ka-loveteam. May pelikula kasi silang ginagawa upang lalo pang painitin ang kanilang tandem, bagay na tiyak na makatutulong sa kanilang muling partnership sa TV.

Anyway, medyo revealing daw ang suot ng aktres sa isang kinukunang tagpo. Habang umaarte sa harap ng gumigiling na kamera ay napansin daw ng aktres na matamang nakatutok ang cameraman, hindi sa lente ng camera, kundi sa bahaging agaw-pansin sa mga taong naroon sa set.

“Cut!” sigaw ng direktor. Nag-relax muna ang tanyag na loveteam sa tila mapanghamong eksenang katatapos lang kunan. Lumapit daw ang aktres sa kinaroroonan ng cameraman at dinig na dinig daw nang sabihin niyang, “O, kuya, kumusta naman ang pamboboso mo? Hindi ba nakita ang ‘pechay’ ko?” na ikinagulat daw ng mga tao who stood within hearing distance.

Ewan kung sadyang “vegetarian” lang ang cameraman, pero hindi rin nito nabanggit kung ‘sariwa’ pa ang nasilip niyang “pechay.”

* * *

It would have been a sin, particularly an act of omission, had I let October 29 pass nang hindi ko man lang batiin ng happy birthday si Boy Abunda. Hindi na nga ako makapagbigay ng materyal na bagay, hindi ko man lang ba siya mabati?

It took several rings before Kuya Boy picked up the phone noong mismong araw na ’yon. Nasa Hong Kong pala siya, kasama ang kanyang butihing ina na si Nanay Lising (I would assume that Bong Quintana, his partner of many years, was with them).

Kinumusta ko ang kanyang pag-aaral as he’s taking up a course in diplomatic relations at the PWU (bale follow-up to the item which came out here last October 26). Yung napili pala niyang kurso is not easy as it seems.

“Naku, Ron, ang hirap din pala ng course na ’yon. Noong una nga eh, akala ko, puwedeng idaan sa pag-emote-emote, hindi pala. Bawat semester kasi may thesis kaya kailangan talagang mag-aral nang husto,” say ni Kuya boy who has three more semesters left to finish.

Natawa ang The Buzz host when asked what he really intended to be: A congressman in his native Samar or an ambassador. Pero lagi kong naalaala ang madalas sabihin noon ni Kuya Boy, given the kind of work that we have in showbiz na kadalasa’y unstable ay mas maganda kung may fallback.

Show comments