Tiny Tony dinumog

Maraming sumusuporta at nanonood sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Tiny Tony na mapapanood tuwing Sabado sa ABS-CBN. Isa nang patunay ang dami ng mga pumunta sa nakaraang Kapamilya Funtaserye Day sa SM North EDSA kung saan napuno ng husto ang activity center ng nasabing mall.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, makakahanap na ng pruweba si Tony (John Prats) na hindi siya ang pumatay kay Dr. Morgan (Pen Medina) dahil nakita nila ni Jumbo (Gerard Acao) ang hidden camera sa laboratoryo. Ngunit dahil hindi nasabi ni Dr. Morgan kung saan ang antidote sa kanyang shrinking formula hindi magawan ng paraan ni Tony na ipaalam ang kanyang hawak na ebidensya.

Ano kaya ang balak ng ating mighty but tiny superhero?

Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn at http://komikspresents.multiply.com.

Show comments