Hold muna raw ang pelikula nina Piolo Pascual at Angel Locsin na Land Down Under ng Star Cinema. Two weeks ago pa sana naka-schedule umalis sila Angel at Piolo papuntang Australia pero ilang beses nang hindi natutuloy dahil nahihirapan daw kumuha ng visa at working permit.
Supposedly ay kasama ang pelikula sa 15th anniversary presentation ng Star Cinema at pre-Christmas offering na rin ang dinidirek ni Rory Quintos pero next year na raw ito itutuloy.
Nakunan na nila ang maraming eksena sa Bukidnon pero sa Australia ang shooting ng highlight ng pelikula.
Siguradong mag-aapela na naman ang mga fans nila dahil matagal na raw nilang hindi napapanood ang dalawa sa pelikula. Si Angel, parang last project niya ang movie with Richard Gutierrez sa GMA Films pa.
* * *
Papable at magaganda ang mga participantes ng Pinoy Fear Factor (PFF) na magsisimulang mapanood sa ABS-CBN next week. Grabe, sa mga photo releases pa lang nila, mukhang maglalaway na ang mga manonood plus yung mga challenges pa na sa teaser pa lang ay parang nakaka-excite nang panoorin.
Bubuo sa 12 na participantes sina Jose Sarasola na isang aspiring chef at si Savanah Lamsen na isang ledge dancer.
Galing sa kilalang pamilya si Jose at susubukan niyang makipagtagisan ng husay. Si Savanah naman ay nakapag-pose na sa iba’t ibang sexy magazines.
Pinag-uusapan ang PFF dahil pasok sa kanilang line up sina Phoemela Barranda at LJ Moreno na hosted by Ryan Agoncillo.
* * *
Speaking of reality show, may natitira pa palang 18 days ang Survivor Philippines at 10 pa ang castaways na naglalaban para masungkit ang P3 million. Kaya matagal pa ang magiging paghihirap ng mga natitira.
Si Paolo Bediones na ang nagsabi na kailangan pala, mataba ka rito kung sasali ka kasi literal na mangangayayat ka oras na sumabak ka na. Bukod sa pangangayayat, ang dami na ring mga kagat ng lamok ng mga castaways ngayon na napapanood natin sa GMA 7.
Anyway, dahil tapos na nga ang buhay ng mga natsugi o cast offs, tuloy naman ang mga career nila dahil pumirma sila ng kontrata sa GMA Artist Center.
Isa sa mga nakikilala ngayon ay si Patani Daño na in fairness ay napapanood sa maraming shows ngayon ng GMA 7.
* * *
Ang daming naiinggit na bading ngayon kay Jon Santos. Inggit sila dahil hindi sila maka-afford na pumunta ng Canada para magpakasal sila ng dyowa nila sa nasabing bansa na puwede ang same-sex marriage. Wala naman daw silang maraming datung na gagastusin para dumayo pa sa nasabing bansa.
Kaya ayun, nag-iilusyon na lang ang mga bakla at umaasang darating ang araw na papayagan din sa isang bansang Katolikong tulad natin na ikasal ang lalaki sa kapwa lalaki.
Watch na lang daw sila ng Da Spooftacular Showdown sa Music Museum kung saan tampok si Jon kasama sina John Lapus at Candy Pangilinan.
Pang-MMK (Maalaala Mo Kaya) nga naman ang buhay ni Jon at siya ngayon ang gustong tularan ng mga kabadingan dahil sa kanyang naging kapalaran na pinakasalan ang isang foreign businessman.
Anyway, Pagkatapos ng hit comedy series na PoohKwang sa Music Museum, isa na namang nakakaaliw ang magaganap ngayong Nobyembre.
Sa lahat ng Biyernes at Sabado ng buong buwan ng Nobyembre, maghahatid ng saya, katatawanan at musika ang tatlong stand up comedians.
Pagdating sa pagpapatawa, royalty na ngang matatawag sina Jon, John at Candy. Hindi matatawaran ang kanilang husay na magbigay-aliw sa kanilang audience mapa-telebisyon, pelikula at stage.
Exciting ang Da Spooftacular Showdown dahil mga bagong comedy skit, production numbers at mga kilala at controversial celebrities ang inyong matutunghayan!
Mula sa direksyon ni Phillip Lazaro at sa script nina Kim Idol, Ador Cuntapay at Joel Mercado, ang Da Spooftacular Showdown ay pinrodyus ng ASAP Live. (SA)