Road manager ni Jennylyn na-frame up?

Palaban si Rowena “Mel” Pulmano. The who si Mel? Siya ang dating assistant ni Becky Aguila na pinagbibintangan na nagnakaw ng mga kadatungan nina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion at Joross Gamboa.

Sinabi ko na palaban si Mel dahil sa kanyang pralala na hindi siya natatakot sa 19 cases ng qualified theft through falsification of commercial documents at nine counts ng falsification of documents na isinampa ni Jennylyn laban sa kanya.

Hindi lamang ito ang mga magiging kaso ni Mel dahil sasampahan din siya ni Becky ng demanda pagkatapos ng All Saints’ Day.

Imbes na matakot, lalong lumakas ang loob ni Mel. Mabuti raw na dinala sa korte ang problema para lumabas ang mga katotohanan. May mga ebidensya raw siya na pinanghahawakan na magpapatunay na biktima siya ng frame up!

Wait and see na lang tayo sa mga susunod na kaba­nata dahil siguradong magsasalita ang magkabilang kampo tungkol sa kanilang demandahan blues.

* * *

Ang dami-daming isyu tungkol kay Jennylyn. May isyu na ninakawan siya. May isyu na hindi niya ipakikita kay Patrick Garcia ang kanilang anak na si Alex Jazz. That boy na nga lang ang tawag niya sa lalaking minsan niyang minahal nang todo. Todo raw o!

Hindi nawawalan ng kontrobersya at intriga tungkol kay Jennylyn. Talagang pang-showbiz siya. Aminin natin, nakakatulong ang mga nakakalokang kontrobersya sa pagbabalik-showbiz ni Jennylyn. Hindi niya kailangang gumimik para mapag-usapan!

* * *

Ang maglinis ng pangalan ang uso ngayon sa showbiz. Seryoso si Aster Amoyo na malinis ang kanyang pangalan kaya nagsampa siya ng reklamo sa HLURB. Hindi raw totoo na may utang siya sa Pag-IBIG. Ipinalilinis ni Mama Aster ang kanyang name kay Mrs. Rose Flaminiano. Take note, Mrs. Flaminiano at hindi na Mommy Rose ang tawag ni Mama Aster sa kanyang former friend. Former friend daw o!

Ang malinis din ang kanyang pangalan ang battlecry ni Bubbles Paraiso. Hindi raw true na siniko niya si Jewel Mische. Lalong hindi niya tinapakan ang gown ni Jewel o itinago ang bag nito.

Laugh ako nang laugh sa bagong joke ng mga baklesh. Interesado raw si Robbie Tan ng Seiko Films na i-build up si Jewel as in gagawin niyang contract star si Jewel kaya magiging Seiko Jewel na ito. Bongga debah?

‘Yan ang uso ngayon sa showbiz, ang maglinis ng name. Type n’yo ba na tumulong sa kanilang paglilinis na gagawin?

* * *

Nilinis din ni Bea Alonzo ang kanyang name sa presscon ng Belo Medical Group. Ang sey ni Bea, wala siyang nakita o alam tungkol sa isyu na nag-umbagan sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo.

Nilinis ni Bea ang kanyang name. Kasing-linis daw ng damit ang kanyang pangalan. Naniniwala ako sa sinabi ni Bea na wala siyang nasaksihan na bugbugan blues pero hindi ako maniniwala na Belo soap ang ginamit niya para maging malinis ang kanyang damit. Hindi detergent soap ang Belo soap ’noh! Ginagamit ang Belo soap para lalong pumuti at kuminis ang inyong mga balat. Hindi naman hard-sell ang pagkakasulat ko ’noh?

Show comments