Francis M. matalas pa rin sa rap
Kapag sinabing Pinoy rap na may class, si Francis Magalona lang iyon. Napatunayan na niya ang sarili sa maraming albums, concerts at TV programs kung saan matatas, matalas siya sa mabilis na pananalita.
“Ito ang dahilan kung bakit namin kinuha si Francis M. para maging endorser ng Nescafe Iced Coffee,” ayon kay Leanne Jacinto, consumer marketing manager ng ready-mix nilang kape.
“He embodies the wit and flair that we want our product to be associated with. Inspirasyon ang talento niya sa kabataan at role model pa siya ngayon. Proud kami na siya ang aming endorser.”
Sa bagong TV commercial ng Nescafe Iced Coffee na tinawag nilang Palistuhan, naging katawa-tawa ang kabaliktaran ni Ramon Bautista sa galing ni Francis M. sa rapping. Pero iyon talaga ang ideya, ang makita kung sino ang mas listo.
Saludo ang komedyanteng si Ramon kay Francis M., “He’s really a master rapper, truly one of a kind.”
- Latest