Pagkatapos bigyang pansin ang lumalalang problema sa piracy, ang problema naman sa lansangan ang pinagtuunan ng atensyon ni Cong. Irwin Tieng ng Buhay Partylist sa pamamagitan ng pagsulong ng House Bill 4917 or “Anti-texting While Driving Act of 2008.”
Ang bill ay nagbabawal sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Base sa ilang pag-aaral, ang mga aksidenteng pang-lansangan ay tumaas. Maski na hindi lahat nito ay dulot ng pagte-text habang nagmamaneho, mas mabuti pa rin na gumawa ng hakbang ang mga mambabatas para mabawasan ito.
Sa ibang bansa, marami nang napatupad na katulad ng ganitong batas na nagbabawal sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Pag naaprubahan ang batas sa Pilipinas, ang mga mahuhuli ay pagmumultahin ng mula P5,000 hanggang P100,000 at/o ikukulong ng isang araw hanggang anim na buwan, depende sa desisyon ng korte.
Ang batang congressman ay may mga bills din na naisulong para sa kapakanan ng mga tao sa industriya ng pelikulang Pilipino. Sinisikap din niyang labanan ang piracy sa bansa.
Si Irwin ay pamangkin ng movie producer na si Wilson Tieng. (LS)