Aba, talagang pinangangatawanan na ni Kris Aquino ang pagiging isang mabuting asawa at ina ng kanyang mga anak. Ayaw na niyang ma-link ang kanyang pangalan kahit na kaninong lalaki para lamang mapangalagaan ang katahimikan ng kanyang marriage.
Abide na rin si Kristeta sa gusto ng kanyang mister na huwag tumanggap ng karagdagang shows sa TV lalo na yung nangangailangan ng magdamagang taping at maski na movies. It was him who gave his go signal para bumalik at mag-host si Kris ng The Buzz pero, hanggang sa Pasko lamang.
Okay lamang naman kay Kris na i-prioritize ang kanyang marriage kesa career. Happy ang relationship nila ni James at masaya maging ang mga anak niyang sina Joshua at Baby James.
Si President Cory ang pinakamalaking influence sa pagiging good wife ni Kris. Sinabi nitong maging submissive siya sa asawa niya na siya namang ginagawa niya. Lahat ng mga kapatid niya ay happily married. Ngayon, pati na rin siya. Salamat sa guidance ng kanilang ina.
‘‘Ayaw kong ma-link sa iba dahil ayaw kong maapektuhan si James kapag tinukso na siya ng ibang tao because his wife ay nali-link sa iba,’’ paliwanag ni Kris.
* * *
Aprub din ako sa hindi pagpunta ng boyfriend ni Toni Gonzaga sa premiere night ng My Only U. Baka nga naman makaapekto pa sa tandem ni Toni kay Vhong Navarro, na alam naman ng lahat na susubukang muli sa pelikula. Malaki ang pressure ng pelikula sa dalawa, dahil ang naunang movie ng Star Cinema, ang A Very Special Love ay naging isang malaking blockbuster. My Only U has to make a good showing, too. Kung pupunta nga naman ang bf ni Tony at ang gf ni Vhong, hindi sa kanila masesentro ang focus kundi sa mga kasama nila. Baka makaapekto pa sa pelikula.
* * *
Ang daming tumatawag sa aking radio program para magsabi na nabibitin sila sa teaser na ipinakikita tungkol sa movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama si Iza Calzado. Wala raw silang kilig na nararamdaman at bagkus nagagalit pa sila dahil nabibitin daw sila. Eh, kung tutuusin daw malapit na ang showing ng movie, so, kailan pa magpapalabas ng sapat na trailer para masabik sila at panoorin ang pelikula?
* * *
Eh ano naman kung P150,000 lang ang take home sa Family Feud, ang importante, masaya ang show. Yun namang milyun-milyong premyo ay hindi rin naman napapanalunan. Suwerte nang makapag-uwi ng P100,000 ang mga nananalo. Sa akin masama pa yung mga nagbibigay ng milyon dahil nagiging tamad na ang tao, iniaasa na lamang ang kapalaran sa mga ganitong pakontes sa TV.
Ewan ko ba, parang wala na akong naririnig sa mga tao kundi ang mag-artista at sumali sa mga games sa TV. Parang sa dalawang ito na lamang sila umaasa ng kabuhayan. Huwag naman sana.