'Hindi kami ni Dingdong' - Marian

Diretsong sagot ang ibinigay ni Marian Rivera sa mga diretsong tanong ng press na bumisita sa shooting ng One True Love sa isang upscale subdivision sa may Parañaque City.

Sa tanong kung sila na ni Dingdong Dantes, madiing “Hindi kami ni Dingdong,” ang sagot nito.

Siya raw ang dahilan nang pini-presume ng maraming break-up nina Dingdong at Karylle?

“Kung may isyu sa kanila, kung break man sila, labas ako roon at wala akong karapatang magsalita sa kanilang relasyon dahil nirerespeto ko sila,” sabi ng aktres.

Ano ang dating sa kanya sa sinasabing inagaw niya si Dingdong kay Karylle?

Sagot niya, “Lagi kong sinasabi na ’di ako gagawa ng bagay na pang-sarili lang at ayoko nang may masasaktan. Never akong mang-aagaw para magka-boyfriend lang. Isa iyan sa mga bagay na hindi ko gagawin sa buhay ko.”

Posible bang maging sila ni Dingdong?

“Mahirap magsalita ng tapos, ang hirap pangunahan ang mga bagay-bagay na hindi natin alam at ang hirap mag-jump agad, pero sa ngayon, sinasabi kong hindi kami,” pagdiin pa ni Marian.

Inamin din niya na nag-usap sila ni Karylle two weeks ago sa SOP dahil in-interview siya nito para sa isusulat na article on blood donor. Itinanggi nitong umiyak siya, pero alam na magkakaroon ng isyu na nakita nga silang nag-uusap.

“Nag-kiss pa kami after naming mag-usap. Walang isyu, pinalawak na lang ng tao,” ani Marian.

Deretsahan ding inamin ni Marian na three months na silang break ng cager boyfriend niyang si Ervic Vijandre, pero wala ring kinalaman si Dingdong sa desisyon niyang makipag-hiwalay dito. Single and happy daw ang status niya ngayon at puro trabaho ang focus dahil tatlong pelikula ang nilalagare niya.

Bukod sa One True Love, na showing sa November 19, tinatapos din ni Marian ang Nieves episode ng Shake, Rattle & Roll X at Desperadas 2. Sa December sisimulan ni Dingdong ang taping ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na last soap nila pansamantala.

* * *

Si Karylle lang ang hinihintay ni Dingdong at itutuloy na nila this week ang matagal nang ipinangakong sabay na pagharap nila sa press para sagutin ang mga tanong tungkol sa kanilang relasyon.

Dahil hindi pa nang­yayari yun, paliku-liko pa rin ang sagot ni Ding­dong sa mga tanong sa relasyon nila ni Karylle. Pinag-isip nito ang press sa sinabing okey sila ni Karylle, ’di sila nag-aaway at interpretation lang ng tao na hindi na sila.

Sa tanong kung nasaan si Karylle sa puso niya, ang sagot ni Dingdong: “Hindi siya mawawala.”

O, ’di ba parang iba ang dating? Tiniyak din nitong walang kinalaman si Marian Rivera sa anumang ia-announce nila ni Karylle.

“Since day one, wala siyang kinalaman and she will never be the reason kung totoo man ang inyong iniisip. Hindi ito gimik para sa One True Love at yun ang kinaaasaran ko dahil hindi ko gagamiting gimik ang personal kong buhay, sacred sa akin ang personal kong buhay,” sagot ni Dingdong.

* * *

Tuloy ang taping ni Angelika dela Cruz ng Una Kang Naging Akin at Lalola kahit four months na siyang buntis. Kundi March, April next year siya manganganak at okey sa kanila ng husband niyang si Orion Casereo kahit ano ang gender ng kanilang baby, ang importante’y healthy ito. Wala pang pinaglilihian ang actress at ang pinagtitripan sa ngayon ay ang asawa.

Birthday kahapon ni Angelika at noong October 28, nag-tree planting siya sa Parks & Wildlife. Dahil 27 years old na siya, 27 different trees din ang itinanim niya.

Samantala, sa Una Kang Naging Akin this Thursday, aalis si Vanessa (Angelika) at ’di sasabihin kung saan siya pupunta. Pagbalik niya, maraming pagbabago ang mangyayari.

* * *

Pasasayahin ng Q-11 ang shoppers sa Alabang Town Center this Thursday sa kanilang Triple Trick or Treat na hatid ng mga show na Moms, The Sweet Life at True Confections. Iba’t ibang booth ang itinayo gaya ng Glam Me Up; When I Grow Up; Rock Baby Rock; Nail Spa; The Sweet Tooth; at Jazz Up the Sweet.

Show comments