Cristy may bago nang masisilungan?

Without a scintilla of doubt, Cristy Fermin caps this year’s rundown of the biggest showbiz events. Literal kasi na hanggang huling araw ng 2007 (December 31) ang effectivity ng ipinataw na suspension order sa kanya by the TV network that she has perpetually referred to as “ang istasyong may haplos ng pagmamahal.”

Showbiz Book of Quotations would never be complete kung wala ang pamosong linyang ’yon ni Cristy which she so delivered with crispness at the Star Awards for TV many years ago. Nasungkit niya ang inaasahang pagkilala sa kanya bilang Best Showbiz-Oriented Talk Show Host ng noo’y namamayagpag na Showbiz Lingo.

That line, na walang binatbat sa mga quotable quotes ng noo’y tinaguriang Quotation Queen na si Janice de Belen, was Cristy’s rhetorical and oratorical way of sealing her loyalty to ABS-CBN.

For years since then, Cristy had remained like a soldier protecting the ABS-CBN fortress against the enemy, ang GMA 7. Siyempre, kasama na rin doon ang pagpa-patronize ni Cristy sa lahat ng mga programa nito which she admits to be in full support of, the least she cares about GMA, its programs and its artists.

On the promise nga na pinrotektahan ni Cristy ang ABS-CBN, kung kaya’t in return ay sumisigaw rin siya ng proteksyon over what she deemed was an unfair suspension. Her tabloid columns here and there say it all.

However, despite Cristy’s firm position, naninindigan ang nakausap ko mula sa ABS-CBN na paglabag umano ’yon sa nakasaad na kontrata ng TV host, damay pati ang kanyang radio program. And for all that Cristy is whining about is a matter, according to my source, that can be resolved by silence.

But one thing though is loud: Ito’y ang ispekulasyon that in all probability, Cristy, like a squatter forced to evacuate on the strength of a demolition order, will resettle somewhere.

Privy to certain informal negotiations, saka na ang mga detalye. Hindi matatapos ang taong 2008, may bago nang tahanang masisilungan si Cristy, na ngayon pa lang ay pinananabikan ko nang marinig kung anong uri naman ng “touch” ang hatid nito sa kanyang kalamnan.

* * *

Personal: Kakaibang haplos ng pagmamahal ang nakaka-touch mula sa mga regular PSN read­ers natin diyan sa Capitol Restaurant sa Taft Ave. cor. Libertad St., Pasay City na sina Ms. Lucy at Jocelyn Indick Orapa ng Dagami, Leyte, mga tapat at masisipag na waitress ni Kuya Shuck.

Show comments