Mama Salve, win ang Showbiz Central sa ratings game noong Linggo. Tinalo nila ang katapat na show, ang The Buzz.
Nakakuha ng 12.8 % rating ang Showbiz Central at 10% naman ang The Buzz. Isyu para sa ibang tao ang ratings atsutsutsu dahil bumalik si Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo.
I’m sure, shouting for joy ang staff ng Showbiz Central dahil sa good news na natanggap nila. Kahit papaano, pinaghandaan nila ang pagbabalik ni Tetay na hindi rin nauubusan ng mga kinasasangkutan na kontrobersya.
* * *
Hindi natuloy ang guesting ni Maui Taylor sa The Buzz noong Linggo dahil may commitment siya sa Pangasinan.
Kung hahabulin ni Maui ang live guesting sa The Buzz, hindi rin siya aabot dahil malayo ang Quezon City sa Pangasinan.
Naka-ready pa naman daw si Maui na sagutin ang kaso na isinampa nila laban kay Mommy Rose Flaminiano.
Dahil hindi nakarating si Maui, si Ara Mina ang isinalang, kasama ni Mama Aster Amoyo. Ang sey ni Ara, pareho sila ng kaso nina Maui at Aubrey Miles.
Marami pa raw sasabihin si Mama Aster tungkol sa isyu pero nakareserba ito sa kanyang future guestings at interviews!
* * *
Hindi shocking sa akin ang pag-amin ni Jon Santos na nagpakasal siya sa kapwa lalaki noong 2005.
Baka nga news pa sa akin kung girl ang pinakasalan ni Jon na mukhang maligayang-maligaya sa piling ng kanyang husband na foreigner.
Hindi si Jon ang unang Filipino TV personality na nagpakasal sa kapwa lalaki. Balitang-balita na nagpakasal sa kapwa mhin ang isang guwaping na TV personality na matagal nang pumunta sa ibang bansa.
Hindi rin si Jon ang kauna-unahang Pilipino na nagpakasal sa same sex. Nauna nang magpakasal noon ang aktres sa kapwa babae pero super deny sila ng kanyang partner kesehodang malinaw na malinaw ang mga ebidensya.
Dahil sa pag-amin ni Jon, baka masundan pa ang mga gays-lesbians na aamin na nagpakasal sila sa kapwa kauri nila.
* * *
Ngayon ang taping namin para sa Family Feud ni Richard Gomez. Ipagdasal ninyo na mag-win kami para lalong maging memorable ang 13th anniversary celebration ng aming show.
Ang sarap isipin na tatlong shows ng GMA 7 ang nagdiriwang ng 13th anniversary, ang Startalk, Bubble Gang at ang Emergency ni Arnold Clavio.
Ang bilis-bilis ng takbo ng panahon. Halos sabay-sabay pala na nag-umpisa ang aming mga TV programs na kasing-edad ni Josh Aquino na anak ni Kris.
Ang cute-cute ni Josh sa kanyang Barney costume sa The Buzz noong Linggo huh! In fairness sa bagets, si Barney ang kanyang all-time favorite na cartoon character. May loyalty siya sa kanyang idol.
Namana ni Josh ang loyal na ugali ni Tetay. Favorite si Tetay ng mga advertisers dahil talagang ginagamit niya ang mga produkto na kanyang iniendorso. Ito ang dahilan kaya sunud-sunod ang mga product endorsements ni Kris.