Gretchen at Nadia nag-isnaban na naman

Nairita ako noong Sabado habang iniinterbyu namin sa Startalk si Francis Magalona. Kasi naman, ang kati-kati ng lalamunan ko kaya hindi ko mapigilan ang maubo.

Hiyang-hiya ako kay Francis dahil bawal sa kanya ang humarap sa mga may sipon at ubo ‘huh! Kung pipigilan ko naman na huwag maubo, ako rin ang mahi­hirapan.

Anyway, bilib na bilib ako sa positive attitude ni Francis sa kanyang sakit. Mata­tag siya at malakas ang loob. Talagang good example si Francis sa ibang mga tao na may malubhang karamdaman.

* * *

Dalawang e-mail ang natanggap ko mula sa mga tao na nakikisimpatiya kay Roxanne Guinoo.

Humihingi sila ng justice para kay Roxanne dahil sa mga pasa at sugat nito sa braso. Maganda ang motibo ng mga nagtatanggol kay Roxanne pero ito mismo ang  hindi nagsasalita tungkol sa mga tunay na nangyari sa kanila ni Jake Cuenca sa Guam.

Hindi niya sinasagot ang isyu kung totoo na naranasan niya na maumbag sa Guam. Tanging siya lang ang puwedeng magtanggol sa kanyang sarili. Hindi ang ibang tao na nagmamalasakit sa kanya.

* * *

Parehong invited sina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto sa birthday party ni Annabelle Rama noong Sabado pero hindi nila nakita ang isa’t isa.

Mahirap magkita ang dalawang tao na may iringan kahit nasa iisang lugar sila. Hindi pa talaga handa sina Nadia at Gretchen na magkasundo. Hindi nga sila nagpansinan nang magkita sila noon sa burol ng tatay ni Gabby Concepcion eh mas malaki ang kanilang tsansa na magkabati noon.

* * *

Pupunta ako ngayong tanghali sa libingan ni Rudy Fernandez sa Heritage Park. Mabuti nang maaga akong dumalaw sa kanyang puntod kesa maipit ako sa grabeng trapik sa All Saints Day.

Mula sa Heritage Park, didiretso ako sa weekly meeting ng Startalk dahil kasabay ng meeting ang celebration ng aming 13th anniversary.

Thank you nga pala kay Papa Joey sa nakakaaliw na composition para sa akin na kinanta niya noong Sabado.

‘Yon daw ang tribute niya sa akin dahil ako ang original host ng Startalk. Gusto ko rin na mag-thank you sa mga loyal viewers ng Startalk na hindi bumibitaw sa panonood sa aming show sa loob ng 13 years.

Ang televiewers ang dahilan kaya tumagal ng 13 taon sa TV ang aming show. A million thanks sa inyong lahat!!!

* * *

Naririto pa pala sa Pilipinas si Mommy Baby, ang nanay ni Gabby Concep­cion. Ang buong akala ko, bumalik na si Mommy Baby sa US pagkatapos ilibing ni Daddy Rollie.

Nang huli kaming magkita ni Gabby, sinabi niya sa akin na sama-sama silang magpa-Pasko ng buong pamilya sa Amerika dahil ito ang request ni Mommy Baby.

Tiniyak ni Gabby na babalik siya sa Pilipinas sa January dahil sa mga commitments na tinanggap niya. Knowing Gabby, nag-e-enjoy na uli siya sa showbiz dahil love na love niya talaga ang pag-arte.

Show comments