Stress ni Angel nawawala sa aso

Gandang-ganda ang mga nasa audience kay Angel Locsin nang rumampa ito sa fashion show ng Folded & Hung na idinaos sa Atrium ng Mall of Asia (MOA) noong Biyernes. Sanay na sanay na talaga itong rumampa.

Nakausap namin ang magandang aktres sa backstage matapos ang fashion show at masayang ibinalita na meron siyang bagong alagang tuta na kabibili at ito’y si Vichon na dalawang buwan pa lang. Naniniwala si Angel na nakakawala ng stress ang pagkakaroon ng alagang aso lalo’t ito’y malambing.

Ayaw na nitong pag-usapan ang tungkol kay Claudine Barretto kung saan pilit silang iniintriga.

* * *

First time na gaganap bilang pulis si Dennis Trillo sa Gagambino. Sa unang araw ng pagpapalabas nito ay humataw na sa rating dahil puro bigatin ang cast. Enjoy ang aktor sa kanyang bagong karakter dahil sasabak ito sa aksyon bilang si Gagambino kung saan nagkaroon siya ng martial arts training at mayroon pa siyang fight instructor. May peligrosong stunts na ginawa si Dennis.

* * *

Naiibang presscon ang dinaluhan namin kay Mother Ricky Reyes na may bagong programa sa Q11 titled Life and Style With Ricky Reyes. Bago ang presscon proper ay pinapunta muna ni Mother Ricky sa kanyang training center para i-pamper sila gaya ng pagpapa-foot spa, hair color, haircut, manicure-pedicure at iba pa kaya na-relax ang lahat with matching raffle pa.

Hindi pure chikahan ang programa dahil meron ding segment ng Great Hair Days kung saan may make-over at pagagandahin ang mga ordinaryong kababaihan.

May Sosyalan Blues din hosted by Ms. Becky Garcia at may one-on-one interview sa mga lifestyle editors.

 Mapapanood ang Life and Style With Ricky Reyes tuwing Linggo ng umaga sa QTV. 

Show comments