^

PSN Showbiz

Karylle pumalag:'Marami po ang gusto kaming paghiwalayin'

- Veronica R. Samio -

Isang bagong karakter ang pinakikilala sa patuloy na tinatangkilik na I Luv Betty La Fea ng ABS-CBN. Ito ay gagampanan ng premyadong aktres na si Glo­ria Romero. Gaganap siya bilang yaya ni Armando Solis (John Lloyd Cruz)!

Professional as ever pa rin ang batikang aktres kahit pa sabihing ‘yaya’ lamang ang role niya sa kina­tu­tu­waang programa ngayon ay wala pa ring kakupas-kupas ang kanyang galing sa pag-arte.

“Wala naman ’yan sa haba ng role, nasa bigat,” anang magaling na aktres.

* * *

Isang 16-year-old singing newbie ang na-meet ko sa first anniversary ng JameSpa. Artist siya ng Cre­work Asia at mayroon nang nagawang album titled How Will I Know. The album contains 10 tracks, ang lima ay minus ones ng five songs na kasama sa album (This is My Dream, Never Make Me Cry, Tayo Ba, Saan Ka Man Mapunta at How Will I Know) at ang isa ay radio mix ng Tayo Ba.

Limang taon pa lamang si Lyn ay alam na niyang gusto niyang maging singer. Naging malaking tulong ang kanyang ina na araw-araw ay dinadala siya sa palayan para dun mag-practice. Minsan sa isang kasalan ay nakita siya’t narinig ng may-ari ng Psalmstre Enterprises, Inc. na si Jim Acosta pero hinintay pa nitong tumuntong siya ng high school bago siya nito pinapunta ng Maynila para subukan ang kanyang kapalaran sa pagkanta. Una siyang isinabak nito sa launching ng New Placenta at dun na nagsimula ang kanyang singing career.

Wala pang boyfriend si Lyn. “Ayaw ko po, natatakot ako,” sabi niya.      

Gusto ring patangusin ng tumatayo niyang manager na si Mr. Acosta ang kanyang ilong pero tumanggi siya.

“Hindi naman ako pango. Ayaw ko dahil baka sa susunod, iba naman ang ipabago sa akin,” paliwanag niya.

Samantala, bumisita sa opisina ni Mr. Acosta ang mga kalahok sa Miss Earth. Sampu silang lahat at buong kasiyahan silang nakipagkuhanan ng larawan sa mga kawani at opisyal ng Psalmstre Enterprises, Inc. ang nasa likod ng New Placenta, Olive C, Glutamin, Livermin, Vitaginseng at JameSpa. Suportado ng Psalmstre ang Ms. Earth Foundation.

* * *

Nakita ko sa bangko si Karylle at sinabi nito na sila pa rin naman ni Dingdong Dantes. Wala pa ring nagbabago bagama’t “Marami po ang gusto kaming paghiwalayin,” hinagpis niya.

* * *

Wala palang sapat na tiwala sa sarili si Glaiza de Castro para sumali sa Bb. Pilipinas beauty pageant. Ang dami kasing humihimok sa kanya na sumali dito dahil bukod sa maganda siya at may pangangatawan, smart din siya, madali niyang malulusutan ang Q&A portion.

“Hindi ako articulate ’pag maraming tao at naniniwala ako na kailangan ko ang matinding prepa­rasyon kung sasali ako dito,” anang Angel Locsin-look alike na hindi na asiwa kapag sinasabing kamuk­ha siya ng aktres.

“Okay lang na sabihin nilang magkamukha kami dahil hindi naman siya pangit,” sabi niya.

Kasama si Glaiza sa Gagambino bilang Lea, may ka­pangyarihan na mula sa bubuyog, nakakalipad siya kaya raw sumakit ang singit niya sa tagal ng pagkaka-harness niya. 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

HOW WILL I KNOW

MR. ACOSTA

NEW PLACENTA

PSALMSTRE ENTERPRISES

SHY

SIYA

TAYO BA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with