Dingdong puwedeng Interior designer

Kung type ninyo na makita ang bonggang pent­­ house na tinitirhan ni Dingdong Dantes, buy n’yo na ang November 2008 issue ng YES! Magazine.

Ang ganda ng bachelor’s pad ni Dingdong. Sosyal na sosyal. Nakatira pa rin si Dingdong sa old house nila sa Cubao. Puwedeng-puwede siyang magpatayo ng bahay sa ibang lugar pero ayaw ni Dingdong na malayo sa kanyang pamilya. Diyan ninyo makikita ang kagandahan ng ugali niya at ang kanyang pagiging clannish.

Si Dingdong ang pumili ng mga gamit para sa kan­­yang pad. Puwedeng-puwede siyang interior designer dahil sosi ang kanyang taste.

Parang tatamarin ka na umalis ng bahay kung kasing-ganda ng bahay ni Dingdong ang tahanan mo.

Ang suwerte ng YES! dahil pumayag si Ding­dong na pakunan ng litrato ang kanyang sanc­tuary. Very pri­vate person siya ’di ba?

* * *

Lalong nakuha ni Karylle ang aking mataas na res­peto dahil never siyang nagpaapekto sa mga pang-iintriga tungkol sa relasyon nila ni Dingdong.

Mas pinili ni Karylle na manahimik dahil there is peace in silence. Tinanggihan din niya ang dalawang regular shows na inaalok sa kanya dahil kuntento siya ngayon, kung anuman ang meron siya.

Si Karylle ang tipo ng babae na type na maging daughter-in-law ng mga nanay. Nakatapos siya ng pag-aaral, disente at never na nasangkot sa mga katsi­pan na isyu sa showbiz. Type na type ko siya para kay Dingdong!

* * *

Agaw-eksena sina Maverick and Ariel sa bonggang inauguration ng bagong building ng GMA 7.

Mamayang gabi, aagawan din nila ng eksena ang isa’t isa dahil nakakaaliw ang mga eksena na ipakikita nila sa Masquerade. Tatapatan ni Maverick ng rewind and slow motion ang human bowling ni Ariel. Aandar din ang baby stroller at ang human spin dryer.

Watch n’yo mamayang gabi sa GMA 7 ang Mas­querade para ma-prove na tala­gang nakakaaliw ang show nina Maverick and Ariel.

* * *

Win si Anita Linda ng best actress award sa Southeast Asian Competition ng Cine­manila Inter­national Film Festival.

Nanalo si Aling Anita para sa kanyang role sa Adela. Siya ang gumanap na Adela. Kung hindi ako nagkakamali, si Aling Anita ang oldest actress sa Pilipinas na nanalo ng best actress trophy. Congrats kay Aling Anita at sa mga produ ng Adela na hindi nagdalawang-isip na bigyan siya ng solo movie.

* * *

Nakalimutan ko na ikuwento sa inyo na walang balak si Gabby Concepcion na magtrabaho sa araw ng kanyang birthday.

Magpapahinga raw siya sa birthday niya sa November 5 kaya wala siyang tinanggap na trabaho.

Ewan ko lang kung matutuloy ang pagpunta ni Gabby sa Italy sa November 5. Sunud-sunod ang trabaho ni Gabby mula nang bumalik siya sa Pilipinas at sangkatutak na kontrobersya ang kinasangkutan niya dapat talaga na mag-rest siya!

Show comments