Anna Dizon magpapasaya ng pinoy sa Kuala Lumpur
After mabigyan ng parangal sa Gawad Amerika bilang isa sa mga most successful recording artist-entrepreneurs more than a year ago at maliban sa pinagkakaabalahang mga negosyo tulad ng kanyang Villa Anna-Paradise Resort and Farm sa Nautical Highway, Mabuhay 1 Socorro, Oriental Mindoro, muling binabalikan ni Anna Dizon ang pagkanta.
Binansagang “Star Diva” ng namayapang Oskee Salazar, yes, hindi lang ang gagawing third album ang siyang pinaghahandaan ngayon ni Anna.
Sa darating na November 2, sa imbitasyon ng Filipino Workers Resources Center (FWRC) sa Kuala Lumpur, Malaysia, ay nakatakdang mag-perform si Anna doon. Kakantahin niya ang palaging nire-request sa kanyang If We Hold On Together. She will also open the event (graduation rites) by singing Lupang Hinirang. Kakantahin din ni Anna ang dalawa sa kanyang Reborn album, ang Nais Ko at For You.
Dadalo sa naturang event para i-welcome si Anna ang ilang top officials ng Philippine Embassy, headed by Ambassador Victoriano M. Lecaros and OIC Ma. Lourdes V. Reyes of POLO-OWWA. Si Anna ang first artist na naimbitahan sa nasabing event, kaya she is thankful and honored, lalo na ang makakanta para sa mga Pinoy na pupunta sa okasyon. Gusto rin niyang maka-inspire ng maraming Pilipino na naghahanap ng trabaho sa Malaysia.
Bilang lady boss ng ATD International Services Incorporated, a licensed employment agency sending Filipino workers abroad, more than willing si Anna to perform to other countries din to inspire our OFWs. Hindi lang iyon, ngayong araw na ito, Martes, ay ipapadala ni Anna ang first batch ng hotel workers na ni-recruit nila papuntang Kuala Lumpur.
- Latest